Kinabukasan, pumasok muli sina Althea at Jenny sa paaralan.
"Oh bes, late na tayo sa klase natin." sambit ni Jenny.
"Kaya nga e, halika na! May exam pa tayo! Akong mahuli at baka mapahiya nanaman tayo!" sambit ni Althea.
Sa sobrang pagmamadali ay halos banggain na ni Jenny at Althea ang lahat ng mga tao sa hallway. Huling-huli na sila. Mabuti nalang at nahuli din ang kanilang guro kaya ay walang sumita sa kanila.
Matapos ang klaseng iyon ay napabuntong-hininga si Jenny.
"Hay! Akala ko mahuhuli tayo sa klase kanina! Mabuti nalang talaga at wala pa si ma'am!" sambit ni Jenny.
"Kaya nga e, for sure mapapahiya tayo nun kapag nakita niyang nahuli tayo." sambit ni Althea.
"Nga pala, nasaan na ba 'yang kakambal mo?" tanong ni Jenny.
"Hindi ko alam. Mukhang galit pa rin siya sa akin." tugon ni Althea.
"Hay nako, ano namang masama dun kung nilapitan ka ng boyfriend niya? Tsaka, wala naman kayong ginagawang masama diba?" tanong ni Jenny.
"Kaya nga e. Hindi ko na alam kung anong nangyayari dyan kay Athena." sambit ni Althea.
"Hay nako. Magkakabati rin kayo ng kakambal mo." tugon ni Jenny.
"Sana nga." tugon ni Althea.
Justine's POV
"Nasaan nanaman kaya 'tong si Athena? Bakit ba lagi nalang siyang nawawala?" bulong ni Justine sa sarili.
"Ah, si Althea siguro 'yun. Pupuntahan ko nga." sambit pa ni Justine.
Lumapit si Justine kina Althea at Jenny.
"Althea, nakita mo ba si Athena?" tanong ni Justine.
"Uhm, hindi eh. Nandyan lang siya siguro." tugon ni Althea.
Lingid sa kaalaman nila na naroon pala sina Athena, Kate, at Patricia. Pinagmamasdan nila sina Althea at Justine.
"Oh my gosh. Look at that flirt. Sinabihan ko na siya na huwag na huwag na siyang lalapit kay Justine. But, look. Kausap niya ngayon ang jowa ko." sambit ni Athena.
"Eh, bakit ka ba kasi galit na galit? Wala naman silang ginagawang masama eh." tugon ni Patricia.
"Patricia, may feeling ako na aagawin sa akin ng kakambal ko si Justine. Ayokong mapagkamalan ni Justine na ako ay si Althea. Baka naman, akala ni Justine na siya ako. Baka siya ang yayain niyang makipag-date." mataray na sambit ni Athena.
"So, ano? Hahayaan mo na lang ba na lapitan ni Justine si Althea?" tanong ni Kate.
"Well, tuturuan ko lang naman ng leksiyon ang kapatid ko. Magtutuos kami." mariin na sambit ni Athena.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
De TodoThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...