"Eliza! Bumangon ka!" malakas na sigaw ni Nanay Mercy.
"Ate Eliza!!!!" sigaw ni Althea.
Kaagad na tumawag si Jenny ng nurse upang i-revive ito.
Tinawagan ni Nanay Mercy si Rod upang sabihin ang nangyayari.
"Rod! Si Eliza, nirerevive ng mga doktor!" sigaw ni Nanay Mercy sa telepono.
"ANO?! O sige, pupunta na kaagad ako dyan, Inang!" sigaw ni Rod.
"Eliza! Hindi ka pa pwedeng mamatay!" malakas na sigaw ni Nanay Mercy.
"Time of death, 6:05pm." sinabi ng isang doktor.
"Dok! Bakit kayo tumigil? Bakit niyo tinigil ang pagrerevive ninyo?" sigaw ni Nanay Mercy.
"Nay, we did our best. Pero mukhang oras na niya talaga." sinabi ng doktor.
"Pero hindi siya pwedeng mamatay!" sigaw ni Nanay Mercy.
"Nay, hindi po natin hawak ang buhay natin. Siguro po, mas mabuti na nagkanoon siya, para po matapos na po ang paghihirap niya." tugon ng doktor.
"Hindi!" malakas na sigaw ni Nanay Mercy.
Binilisan ni Rod ang pagmamaneho at makalipas ang ilang minuto, narating na niya ang ospital. Naabutan niya si Nanay Mercy na nakaupo at umiiyak.
"Inang, ano pong nangyari kay Eliza?" kaagad na tanong ni Rod.
"W-wala na s-siya." malungkot na sagot ni Nanay Mercy.
----------
Nakaupo si Rod sa bangko. Pinagmamasdan niya ang kabaong ni Eliza.
"Hayop ka Raymond, pinatay mo si Eliza. Hindi ko hahayaang makatakas ka." sambit ni Rod sa sarili.
Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at pinuntahan si Eliza sa kabaong niya.
"Eliza, isinusumpa ko, magbabayad si Raymond. Magbabayad siya! Hindi ko hahayaang makatakas lang siya. Ipinapangako ko sayo, Eliza. Makukuha natin ang hustisya sa pagkamatay mo." sambit ni Rod.
Bumukas ang pinto at pumasok si Althea. Kasama niya si Jenny.
"Tay, may dala po kaming pagkain. Kumain po muna kayo." sambit ni Althea.
"Oo nga po tito Rod, sige na po. Kumain na po kayo." dagdag ni Jenny.
"Salamat anak, salamat din Jenny. Hindi ko lang talaga matanggap na wala na si Eliza. Wala na siya." sambit ni Rod.
"Tay, huwag na po kayong malungkot. Kahit kami rin po, hindi pa rin namin natatanggap." sambit ni Althea.
"Basta ipinapangako ko, magbabayad si Raymond. Magbabayad siya!" sambit ni Rod.
"Ano naman pong balak niyo sa kaniya, tito?" tanong ni Jenny.
"Ipakukulong ko siya. Hindi ko hahayaang basta-basta nalang makatakas ang kriminal na 'yon. Pagbabayaran niya ang lahat ng ginawa niya." sambit ni Rod.
----------
Makalipas ang ilang araw, tuluyan nang inilibing si Eliza. Hindi pa rin makapaniwala ang lahat na wala na siya. Nahuli na rin ng mga pulis si Raymond. Kaya naman ay nasa kulungan siya ngayon.
"Raymond, may bisita ka." sambit ng isang pulis.
"Sino po?" tanong ni Raymond.
"Kaibigan mo daw." tugon ng pulis.
"Sige po." -Raymond
Lumabas si Raymond upang makita ang dalaw niya na kaniyang "kaibigan."
"Hayop ka, Raymond!" isang napakalakas na suntok ang pinakawalan ni Rod. Galit na galit siya kay Raymond dahil sa pagkamatay ni Eliza. Sa sobrang lakas ng suntok ni Rod ay napatumba siya sa sahig.
"T-t-tama n-na!" sagot ni Raymond.
"Anong tama na? Pinatay mo si Eliza tapos sasabihin mo ngayon tama na? Alam mo, ang dapat sayo, mabulok ka dito sa kulungan! Sisiguraduhin kong dito ka na aabutan ng kamatayan mo!" matinding galit ni Rod.
Pagkatapos noon ay umalis na si Rod at iniwang sugatan si Raymond.
"Hayop ka, Rod. Sisiguraduhin kong makakapaghiganti ako sayo! Hindi ko hahayaang maging masaya kayo ng pamilya mo! Hintayin mo lang, makakatakas din ako dito!" bulong ni Raymond sa sarili.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
RandomThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...