"Kate, naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na alam kung kaya ko pang umuwi sa bahay." tugon ni Athena.
"What if, sumama ka nalang kaya sa totoo mong pamilya?" suggestion ni Kate.
"Hindi ko alam Kate, naguguluhan ako. Siguro mas okay na nga na sumama nalang ako sa totoo kong pamilya. Hindi pa rin ako makapaniwala na mamamatay-tao si Daddy. Nakakulong na siya ngayon. At si mommy naman, nag-iisa lang sa bahay. Naaawa ako sa kaniya, wala na siyang kasama sa buhay kapag sumama ako sa totoo kong pamilya. Ewan ko, ewan ko." tugon ni Athena.
"So, paano na 'yan?" tanong ni Kate.
"Siguro, uuwi muna ako sa bahay ngayon." tugon ni Athena.
Pagkatapos noon ay inayos ni Athena ang kaniyang gamit at umuwi muna sa kanila. Sinalubong siya ng kanyang mommy.
"Anak, kamusta ka na?" tanong ng kaniyang mommy.
"Mommy, I don't think na, kaya ko pang tumagal sa bahay na 'to. Parang hindi ko pa rin kasi matanggap na nakapatay ng tao si Daddy." tugon ni Athena.
"So, ano? Anong balak mo?" tanong ni Letty.
"Napagisip-isip ko po na, sasama nalang ako sa totoo kong pamilya." mahinang tugon ni Kate.
"Ano? Sasama ka sa totoo mong pamilya? Anak, hindi pwede! Hindi ka sasama sa kanila! Hindi ako makakapayag na makuha ka nila sa amin ng daddy mo! Magagalit ang daddy mo! Baka lalo pang madagdagan ang kaso niya kapag ginawa mo 'yon!" galit na tugon ni Letty.
"Pero mommy..." hindi na naituloy pa ni Athena ang kaniyang sasabihin nang biglang magsalita si Letty ng pagalit.
"HINDI! HINDI KA SASAMA SA KANILA! NAIINTINDIHAN MO BA?!" galit na tugon ni Letty.
"Opo." natatakot na sagot ni Athena.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
RandomThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...