Chapter 13: Amanda's Return

24 2 0
                                    

"Bakit ka ba kasi nakikipag-away ha? Humanda sa akin 'yang babaeng 'yan kapag nakita ko 'yan. Hays." -Athena

"Sige na bes, uuwi na ako. Baka hinahanap na ako nina mommy at daddy. Bye" pagpapaalam ni Athena.

"Ok, bye. Sabihin mo nalang sa akin kung anong mga assignments ha? Salamat." -Kate

"O sige. Bye"

Makalipas ang dalawang araw, nakapasok na ulit sina Amanda at Kate. Habang naglalakad si Amanda ay nakasalubong niya sina Jenny at Althea.

"Oh, Amanda? Balita ko nasuspend ka raw?" -Althea

"Pwede ba, shut up! Wala ako sa mood ngayon!" pagalit na sinabi ni Amanda.

Biglang nagwalkout si Amanda. Nakita niya si Wendy at pinuntahan niya ito.

"Uy, bes! Nakapasok ka na pala!" -Wendy

"Oo. Kakapasok ko pa nga lang pero hinarang ako nung Althea at Jenny na 'yon. Nakakainis eh." -Amanda

"Sinong Althea at Jenny?" tanong ni Wendy.

"Ayun, yung dalawang hampaslupa na 'yun. Palagi nila akong iniinis eh. Simula pa nung first day of school." medyo naiinis na sagot ni Amanda.

"Oh, ikaw pala 'yung ikinuwento nila sa akin nung isang araw. Palagi mo raw silang inaaway." -Wendy

"Ako? Inaaway ko sila? Eh sila naman kasi ang may kasalanan eh. Naglalakad ako at 'yang babaeng Althea na 'yan, hindi tumitingin sa dinadaan. Kaya ayun, nabunggo niya ako at nahulog ang cellphone ko. Ayun, medyo nabasag ata 'yung LCD." sagot ni Amanda.

"Yun lang? Galit ka na agad?" -Wendy

"Hindi, dahil narinig ko sila na pinagtsitsismisan ako. Kaya nainis pa ako nun sa kanila lalo at dumating pa sa punto na nahuli kami ng guidance counselor. Mabuti nalang at nagplastikan kami na bati kami kaya nakaalis kami sa guidance noong araw na iyon." paliwanag ni Amanda.

"Oh, I see. Mukhang mapapalaban tayo sa dalawang 'yan ah. Pero dapat ay huwag tayong mauna. Para hindi tayo ang pagalitan." sagot ni Wendy.

Athena's POV

"Oh, Kate? Andito ka na pala!" -Athena.

"Oo, at humanda sakin ang babaeng 'yon kapag nakita ko siya. Nakakainis." -Kate

"Uy bes, chill ka lang. Ano ka ba? Kakapasok mo lang ngayon umiiral nanaman 'yang pagiging warfreak mo." sabi ni Patricia na kaibigan nina Athena at Kate.

"Halika na nga! Pumasok na nga tayo sa classroom at baka mahuli pa tayo sa klase." sagot ni Kate.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon