Umakyat si Athena sa kaniyang kwarto at muling tinawagan si Kate.
"Kate, sinabi ko kay mommy na gusto ko nang sumama sa totoo kong pamilya, pero galit na galit siya!" kwento ni Athena.
"Ha? Eh papaano na 'yan ngayon? Paano ka sasama sa totoo mong pamilya?" tanong ni Kate.
"Nakaisip ako ng plano. Bukas, habang breaktime, pupuntahan ko si Althea at sasabihin ko sa kaniya na sasama na ako sa kanila. Hihingi na rin ako ng tawad sa kanila dahil inaway ko siya noon." tugon ni Athena.
"Sige, pero mag-iingat ka dahil baka mabuking ka ng mommy mo." tugon ni Kate.
"Sige, salamat. Mag-iingat ako." tugon ni Athena.
Kinabukasan, habang wala pang klass sina Althea at Jenny ay pumunta muna sila sa cafeteria at kumain sila saglit, sakto namang naroon si Athena.
"Althea, Jenny, pasensya na ha, pwede ba akong makiupo?" tanong ni Athena.
"Ummm, sige." mahinang tugon ni Althea.
"Althea, sana mapatawad mo ako sa mga naging kasalanan ko sayo. Sorry dahil hindi ko tanggap noon na kakambal kita. Akala ko kasi impostora kita eh, pero ngayon, napagdesisyunan ko na sumama sa inyo. Sana mapatawad mo ako." paghingi ng tawad ni Athena.
"Ayos lang 'yon, pinapatawad na kita. Sana ayos lang sayo na tumira sa bahay namin." tugon ni Althea.
"Oo naman." tugon ni Athena.
Pagkatapos ng klase ay kaagad ikinuwento ni Althea kay Rod na sasama na si Athena sa kanila. Naging masaya ang kalooban ni Rod dahil sa wakas, mabubuo na rin ang pamilya nila...ay hindi pa rin pala buo dahil may kulang pa, si Maricel. Pero kahit wala na si Maricel ay masaya pa rin siya dahil nakita na niya ang totoo niyang anak at sumama na ito sa kanila.
"Athena, pasensiya ka na at medyo magulo ang bahay namin." -Rod
"Ayos lang po." tugon ni Athena.
"Athena, sa taas ang kwarto mo, sa tabi ng kwarto ko." tugon ni Althea.
"Salamat po." tugon ni Athena.
Letty's POV
"Tapos na ang klase nina Athena, susunduin ko muna siya." bulong ni Letty sa sarili.
Pagkarating ni Letty sa paaralan nina Athena ay wala ito, kaya naman ay hinanap niya ito.
Makalipas ang labinlimang minuto ay hindi pa rin nahahanap ni Letty si Athena.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
De TodoThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...