"Bakit po?" naguguluhang tanong ni Athena.
"Magagalit ang daddy mo. Ayaw niya na magsama-sama kayo nina Rod at Althea." tugon ni Letty.
"Mommy, huwag niyo nalang pong sabihin kay daddy. Please po, pagbigyan na natin sila. Iniligtas naman po nila tayo sa aksidente natin." tugon ni Athena.
"Anak, please. Umuwi na tayo." tugon ni Letty.
"Magpapaalam lang po ako." tugon ni Athena.
Nagpaalam si Athena sa kaniyang tatay na si Rod at sa kanyang kakambal na si Althea. Pati na rin kay Nanay Mercy.
"Tay, Althea, Nay Mercy, uuwi na po ako. Bibisita nalang po ako ulit." pagpapaalam ni Athena.
"Sige, apo. Mag-iingat ka palagi." tugon ni Nanay Mercy.
"Sige, anak. Mahal na mahal ka namin." tugon ni Rod.
"Sige, Athena. Magkita nalang tayo sa school bukas." tugon ni Althea.
"Sige po. Bye." tugon ni Athena.
Kinabukasan, pumasok muli sina Althea at Jenny sa paaralan. As usual, naroon din si Amanda.
"Uy, Althea, nasaan na 'yung kakambal mo?" pang-aasar ni Amanda.
"Pwede ba, Amanda. Tigilan mo na kami." tugon ni Althea.
"Tigilan? Never ko kayong titigilan. Hanggang nandito ako, hinding-hindi ko kayo tatantanan." tugon ni Amanda.
"Bakit? Gusto mo nanaman ba ng away?" tanong ni Jenny.
"Well, kung 'yan ang gusto ninyo, ayan ang ibibigay ko." sambit ni Amanda at biglang sinampal si Jenny.
Sasampalin na sana ni Althea si Amanda upang ipagtanggol si Jenny, ngunit nahawakan na kaagad ni Amanda ang kamay ni Althea, kaya hindi siya nito nasampal.
"Ano, Althea? Gusto mo bang makisali?" pang-aasar na sambit ni Amanda.
"Pwede ba, Amanda. Tigilan mo na nga kami ng bestfriend ko! Nananahimik kami!" pasigaw na sambit ni Althea.
"Pwede ba, nananahimik din naman ako dito ah! Ginugulo niyo lang din ako!" pagalit na sambit ni Amanda.
"Ikaw ang nauna!" sambit ni Jenny.
"Ano? Gusto mo nanaman bang mapagalitan tayo ni Mrs. Delos Santos?" sigaw ni Althea.
"Fine, hindi ko na kayo aawayin. Nakakairita lang kasi. Sa tuwing makikita ko ang pagmumukha ninyo, nasisira na agad ang araw ko." mataray na sambit ni Amanda.
"Eh, bakit? Lalo naman kami. Makasalubong ka nga lang namin e nakakainis na." sambit ni Jenny.
"Fine, makaalis na nga." mataray na sambit ni Amanda.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
РазноеThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...