Chapter 54: Bad Ka, Amanda!

10 1 0
                                    

"Hay nako, bes. Sukdulan na talaga ang kasamaan ng Amandang 'yun. Wala na siyang sinasanto. Kahit sino inaaway niya talaga." sambit ni Jenny.

"Kaya nga eh. Pero sana dumating na rin ang panahon na maging mabait na siya." tugon ni Althea.

"Darating din 'yan, intay intay lang." tugon ni Jenny.

Amanda's POV

"Hahahaha! Alam mo, Wendy. Balak ko rin sanang buhusan ng pintura 'yan si Jenny. Masyado kasi siyang pabida eh." sambit ni Amanda.

"Well, kailan mo gagawin ang plano mo?" tanong ni Wendy.

"Mamaya, basta ako na ang gagawa ng paraan." sambit ni Amanda.

Maya-maya, pagkatapos ng klase, umupo muna sina Althea at Jenny sa bangko. Nag-aral muna sila doon saglit.

"Bes, magbabanyo lang ako saglit ha." sambit ni Althea.

"Sige lang." sambit ni Jenny.

Makalipas ang ilang minuto, nilapitan ni Wendy si Jenny.

"Jenny, si Althea, nasa rooftop! Nasa panganib siya ngayon! Halika na at magpunta na tayo doon!" sigaw ni Wendy.

"Ano? Anong nangyari kay Althea?" gulat na tanong ni Jenny.

"Basta, sumama ka nalang!" sambit ni Wendy.

Dali-daling sumama si Jenny kay Wendy paakyat sa rooftop. Sakto namang lumabas si Althea sa palikuran at nakitang paakyat si Jenny.

"Ano naman kayang gagawin ni Jenny doon?" tanong ni Althea sa sarili.

Napagdesisyunan ni Althea na sundan si Jenny sa rooftop.

Pagkaakyat ni Jenny sa rooftop ay hindi niya nakita si Althea. Sa halip, si Amanda ang nakita niya.

"Hoy! Pinaglololoko niyo ba ako?" tanong ni Jenny.

"Hahahaha! Alam mo Jenny, ang tanga-tanga mo!" ngumiti si Amanda ng maluluwang na ngiti.

"Bakit, anong gagawin ninyo sa akin?" tanong ni Jenny.

"Well, abangan mo na lang." sinampal ni Amanda ng napakalakas si Jenny.

Gumanti rin si Jenny at sinampal niya ng malakas si Amanda.

Nagmasid si Amanda sa buong paligid hanggang sa nakita niya ang isang tubo.

"Amanda, anong gagawin mo dyan sa tubo? Ihahampas mo sa akin?" tanong ni Jenny.

"Oo, ihahampas ko 'to sa ulo mo para mamatay ka na. Masyado kang pabida eh!" sigaw ni Amanda.

Lumakad si Amanda papunta kay Jenny. Habang si Jenny naman ay napapaatras.

Sa sobrang gigil ni Amanda kay Jenny ay tumakbo siya papunta sa kinaroroonan ni Jenny. Iniangat niya ang tubo! Ihahampas niya na ito kay Jenny! Babagsak na sa ulo ni Jenny ang tubo na hawak ni Amanda nang bigla siyang umiwas at hindi na nahampas ng tubo si Jenny sa ulo! Lumagpas si Amanda sa harang ng building at nakakapit na lamang siya rito! Mahuhulog na siya!

"Amanda!" sigaw ni Jenny.

"Jenny, tulungan mo ako!" sigaw ni Amanda.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon