Chapter 58: Pakana

8 1 0
                                    

Pumunta si Athena sa bahay nina Althea upang humingi ng tawad.

Kumatok siya sa pinto at pinagbuksan siya ni Rod.

"Anak, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Rod.

"Tay, nandito po ako para humingi ng tawad sa inyo at kay Althea. Nandito po ako para magsorry." sambit ni Athena.

"Anak, kahit marami kang ginawang kasalanan, patatawarin ka pa rin namin." sambit ni Rod.

"Pumasok ka muna." dagdag pa ni Rod.

Pumasok si Athena sa bahay nila Althea at sakto namang naroon si Althea, nakaupo sa sofa.

"Anong ginagawa mo dito? Guguluhin mo nanaman ba kami?" galit na sambit ni Althea.

"Althea, nandito ako para humingi ng tawad. Sa lahat ng mga kasalanan kong nagawa sa inyo, sana mapatawad mo ako!" makaawa ni Athena.

"Kambal, kahit naman marami kang ginawang kasalanan sa amin, papatawarin ka pa rin naman namin eh." sambit ni Althea.

"Salamat ha. Alam mo nagpapasalamat ako dahil naging kakambal kita." sambit ni Athena.

"Walang anuman. Ano, gusto mo bang kumain o maiinom?" tanong ni Althea.

"Hindi. Nagpunta lang sana ako dito para yayain kang mamasyal sa mall. Gusto ko lang na makapag-bonding man lang tayo. Ililibre na rin kita ng shopping at pagkain." sambit ni Athena.

"Sige! Pero, itatanong ko lang muna kay daddy kung pwede tayong mamasyal ha." sambit ni Althea.

"Oo anak, papayag ako na mag-bonding kayo ni Athena. Para na rin makapagrelax na rin kayong dalawa." sambit ni Rod.

"Salamat po, daddy." sambit ni Athena.

"Oh, papaano mamaya? Saan ba tayo magkikita?" tanong ni Althea.

"Sa mall nalang tayo magkita mamaya. Sa may harap ng mini so." sambit ni Athena.

Pagkatapos noon ay umalis si Athena sa bahay nina Althea at tinawagan si Kate.

"Mission accomplished!" sambit ni Athena.

"Ano bes, nagawa mo na ba?" tanong ni Kate.

"Oo bes. Magkikita kami mamaya sa mall, sa may harap ng mini so." tugon ni Athena.

"So, papano na 'yan?" tanong ni Kate.

"Well, sabay-sabay tayong pupunta sa mall tapos kami ni Althea magkikita sa mini so. Ikaw Kate ang mag-aabot ng pintura sa akin." sambit ni Amanda.

"Ano? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Bubuhusan mo nanaman ng pintura 'yang kapatid mo? Baka magalit nanaman sayo 'yung jowa mo, ay oo nga pala, break na nga pala kayo!" pang-aasar ni Kate.

"Oh yes, Kate. As long as I'm living here in this world, I will make my sister's life a living hell. Gusto ko siyang mapahiya sa harapan ng maraming tao. Gusto kong makita siyang pinagtitinginan ng mga tao." sambit ni Athena.

"Bes, demonyo ka talaga! Well, sana hindi ka balikan ng karma mo." sambit ni Kate.

"Well, demonyo na kung demonyo. Gusto ko lang talaga makapaghiganti sa kapatid ko." sambit ni Athena.

"Okay, fine. Basta kita-kits nalang tayo mamaya ha." sambit ni Kate.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon