CHAPTER 4

5.5K 170 22
                                        

A/N:

From here unedited.

***

I was never a sentimental person when it came to petty things. Hindi ko binibigyan nang pansin ang mga bagay na hindi ko naman ikakaunlad. I never gave a damn about the stars, the moon and the universe. I never gave a fuck about the beauty of sunset and sunrise, or even the figurative meanings it implied.

Pero ngayon, habang sinasalubong ko ang panibagong umaga ay tila napagtutuonan ko ng pansin ang mga malilit na detalye. Mula sa malamig na simoy ng hangin na inililipad ang mahaba kong buhok, ang pag-iiba ng kulay ng kalangitan upang bigyang daan ang paglitaw ng araw, at ang katotohanang hindi ko matatakasan ang aking tadhana.

The memories of what have happened yesterday remained in my mind. Napakalinaw na tila ba sinadyang ipaalala talaga sa akin ng aking isipan. I'd never thought that my brother would cry too much. He was crying like a kid who was deprived with his toys. It broke my heart seeing my brother cried helplessly that night as he hugged me tight. He was devastated as hell when I was enveloped in his arms because we both knew, his love for me wasn't enough to make him disobey my father.

I hugged my arms as I continued to walk aimlessly. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan at bigla ko na lang naisipang lumabas sa mansyon nang maaga.

Muli akong napatingin sa kalangitan bago ko sinipa ang batong nakaharang sa aking daanan. I clenched my fist and glanced at the sky.

"Why can you be so calm and peaceful while I'm lurking in misery?" I asked angrily as I gritted my teeth.

Hindi ko alam kung saan ko ilalabas ang aking hinanakit, kaya mas pinili ko na lang manumbat sa isang bagay na hindi ako papatulan. Damn it!

My feet suddenly stopped when I realized where I am.

Hindi ko namalayang sa kakalakad ko ay napadpad ako sa tapat ng bahay niya. Katulad nang inaaasahan ko kay Ryker ay maaga rin siyang nagising. Tila nagulat pa siya nang ako ang kanyang mabungaran pagkalabas niya sa kanilang gate.

I cleared my throat and forced myself to smile.

"Morning," I greeted with all the energy I'd managed to collect.

I smirked when my presence caught him off guard. Napatalon pa siya sa gulat at tila ba kaunting kalabit na lang ay kakaripas na nang takbo. Para siyang nakakita ng multo dahil bahagya pang namutla. Gusto ko mang takutin siya pero sa kulay pa lang ng labi niya, kaunting paninindak ko pa ay baka mahimatay na siya ng tuluyang.

"Sapphire my labs... ang aga mo namang umakyat nang ligaw. Tulog pa ang mga parents ko. Strict pa naman sila pagdating sa pinakagwapo nilang anak," biro niya kahit halata na ang uneasiness sa kanyang boses.

His voice was even shaking!

I bit my lips to suppress my laugh.

"I just want to tell you something." Tinaasan ko siya ng kilay "Please stop giving me that ridiculous look. I am not going to shoot you."

Nakahinga siya nang maluwag at nagsimulang maglakad papalapit sa akin. Saglit kaming nagkatinginan bago kami sabay na napahalakhak. Tumawa ako dahil hindi ko na napigilan. He's scared and it was really amusing. Samantalang tumawa naman siya upang pagtakpan ang kanyang takot.

Ilang minuto rin kaming tahimik na naglalakad bago ako tuluyang nagsalita.

"Alam mo ba kung bakit hindi ko man lang nagawang saktan si Blaze kahapon?" tanong ko.

He smiled bitterly.

"Because no matter how he hurt you, you still love him, right?"

Huminga ako nang malalim.

KING OF TORMENTS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon