CHAPTER 12

4.2K 152 14
                                        

I still remembered Ryker talking about fraternities and sororities shits, and how I cringed while listening to him. He was so obsessed with the thought of establishing brotherhood and such, to the point that he was willing to undergo initiations. Tinarayan ko lang siya at sinabihang, ipagdarasal ko ang kaluluwa niya if ever maging biktima siya ng hazing. And because he was Ryker, the happy go lucky jerk, he only laughed. Mas kapani-paniwala pa daw na mamatay siya sa isang hazing kaysa sa matuto akong magdasal. 

I never dream of joining a fraternity or sorority, despite Ryker 's continuous persuasion on me. Aside sa hindi ko talaga feel ang sisterhood na sinasabi nila, ayoko rin sa tinatawag na initiation.

Ang nakakatawa, hindi nga ako sumali pero napunta pa rin ako sa isang initiation. Just what the heck?

Maingat kong pinakiramdaman ang paligid. Sa sobrang dilim ay kahit silhouette ng mga taong nasa loob ay hindi ko makita. I couldn't walk with stealth if I was not even sure where I was going.

However, the darkness couldn't conceal the terror that lingered in the air. Halos mabingi ako sa mga palahaw, sigaw at iyak ng mga kasamahan ko sa table. Mas lalo pa itong lumala nang umalingawngaw ang sunod-sunod na mga kalampag. Pati na ang mga mabibilis na yabag ng mga tao na tila naghahabulan.

Dahan-dahan akong umalis sa aking kinauupuan. Kung hindi ako nagkakamali hindi magtatagal ang lights off. Kaya hindi rin dapat ako manatili sa lugar na ito.

Naisip ko agad ang dorm. Ang kailangan ko lang gawin ay makabalik doon nang walang nakakapansin. Then, I would be freed from this shit.

Pilit kong kinakapa ang mga bagay na nadaraanan ko ng hindi gumagawa ng ingay. Sa bawat mga hakbang ko mas lalong bumibilis ang kabog ng dibdib ko.

Ang malaking palaisipan sa akin ngayon ay kung nasaan ang Upper Hierarchy. Mahirap hulaan ang takbo ng kanilang isip kaya hindi ako sigurado kung nandito pa ba sila sa loob.

Ramdam kong papalapit na ako sa may exit nang bigla na lang may mahigpit na kamay ang humawak sa aking braso. Pilit akong nanlalaban ngunit may isa na namang kamay ang humawak sa kabila kong braso. Their grips were strong, making it hard to fight back. Idagdag pa ang dilim na mas lalong nagpapalala sa sitwasyon.

They managed to drag me out from the hall. I stared at the silhouette of my abductors. The moonlight illuminated the outline of their bodies. Tatlong kalalakihan ang kasalukuyang humihila sa akin palayo.

I tried to restrain pero pinagtutulungan na nila ang paghila sa akin. These jerks would lose their balls once I escape—

Hanggang sa maramdaman ko na lang na may itinakip na panyo sa aking bibig at ilong.

Damn...

I slowly lost grasp of my consciousness.

***

Nagising ako dahil sa malalakas na boses na tila nagtatalo. Disoriented kong iginala ang aking paningin. Bumungad sa akin ang maalikabok at may kadilimang lugar. Wala akong makitang palatandaan na magbibigay sa akin ng ideya kung nasaan ako. May isang maliit na bintana malapit sa pwesto ko. Madilim pa sa labas kaya nasisigurado kong gabi pa o di kaya madaling araw.

Nakahiga ako sa matigas na kama. Hindi nakatali ang kamay at paa ko. Wala ring busal ang bibig ko. I mentally rolled my eyes. Brainless abductors!

I got up from the shitty bed... I was not even sure if it was a bed or not... and looked at the place in a bored manner.

Agad akong naging alerto nang makita ang mga taong maingay na nagtatalo. Apat sila. Tatlong lalaki at isang babae.

Hindi na ako nagulat nang isa si Amber sa mga dumukot sa akin. I lazily rolled my eyes and yawned. Para siyang kontrabida sa isang action movie na may gasgas na plot. I just hoped that it wouldn't end with matching gunshots and goons everywhere. Heck, she was so desperate but for fuck's sake, could she make this abduction more creative?

KING OF TORMENTS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon