Nanatili ako sa loob ng Headquarter. Nakahalukipkip kong pinagmasdan si Rhea na kanina pa umiiwas sa akin. I wanted to confront her but I knew she won't tell me no matter what I would do.
Pinipilit kong huwag munang alalahanin ang mga katanungan ko tungkol kay Dale, pero may bago namang pumalit. Ganito na lang ba ang papel ko dito, taga-tanong sa mga misteryo na wala silang balak sagutin?
Tinaasan ko ng kilay si Ivan nang mahuli ko siyang nakatitig sa akin. Himala nga kasi cease fire sila ni Rhea ngayon. Umiwas siya ng tingin kaya tumayo ako at umupo bigla sa tabi niya.
"Dede ni Rhea—Sapphire, naman! Iyong puso ko nag-back tumbling sa gulat!" Nasapo niya ang kaniyang dibdib. Nang maka-recover siya sa gulat ay bigla siyang nagtakip sa kaniyang bibig at tumitig sa akin na tila ba nanlulumo. "Pasensya na, I didn't mean to shout, Queen."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Wala namang sarcasm sa tono niya pero hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Kaya ba sila takot lumapit sa akin dahil miyembro na ako ng Upper Heirarchy?
"Ivan," tawag ko sa kaniya. Para siyang uod na nalagyan ng asin. Hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan. Ang iba namang Masqueraders sa loob ay nagsilabasan hanggang sa kaming tatlo na lang nina Rhea ang natira. This was weird.
"I'm the Queen, right?" I lifted my eyebrow arrogantly. Tumango siya na parang kontroladong manika. "So therefore, I can demand anything." I concluded triumphantly. He nodded again.
"Opo, basta huwag lang ang katawan ko at ang dede ni Rhea—" muli siyang napatakip sa kaniyang bibig. Ivan was still Ivan.
"Then, will you answer my question?"
Mabilis siyang tumango. Nagsalubong ang tingin namin ni Rhea at kita ko ang pagkabahala sa kaniyang mukha. Saglit niyang sinulyapan si Ivan, at sa kaunting segundong iyon pakiramdam ko mina-massacre na niya ito sa kaniyang isipan.
"Leave us," I commanded her coldly. Napabuntong hininga siya bago mabilis na lumabas. Muli kong tiningnan si Ivan. His hands were placed on his lap. Tuwid na tuwid pa ang kaniyang likod. Sobrang stiff niyang tingnan na akala ko hindi na siya humihinga. Seriously? Hindi ko naman siya kakatayin pero kung umasta ay akala mo papatayin ko!
I took a deep breath. "So my question is—"
"Oo na, Sapphire, bakla talaga ako!" bigla siyang sumigaw at humagulgol ng iyak. I looked at him in confusion.
"That's not my question—"
"Nagkakamali ka! Hindi ko crush si Rhea! Abs ang hanap ko! Wala nga iyong dede kaya bakit ko siya magugustuhan? I kennot!" He answered defensively. Nanlaki pa ang kaniyang mga mata.
Nasapo ko ang aking noo. Nakalimutan kong masyado pa lang matalino ang taong 'to, masyadong advance mag-isip. Hindi pa ako tapos magtanong, may sagot na siya. Ibang klase.
"Listen, I want to ask if—"
"Daks ako! Pero 'di mo ako dapat pagnasaan!"
Napasandal ako. Nakakakonsimisyon kausap si Ivan. Umusog siya palayo sa akin. He looked at his crotch exaggeratedly. Mukha ba akong mahalay sa paningin niya? Gago!
"Ivan!" I shouted in frustration.
"Ano?" he looked genuinely terrified. Nakakaasar.
"Will you listen first before answering? And stop acting like I'm gonna rape you!" I massaged my forehead.
"Sorry," he uttered. He motioned his hand as if zipping his mouth.
"Ano'ng mayroon sa araw na 'to at bakit napaka-gloomy ng paligid?" Mahinahon kong tanong.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Misteri / ThrillerWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)