I was pre-occupied while walking back to the classroom. Mas lalo lamang nadagdagan ang aking mga katanungan. Mabuti na lang at hindi na ako ginulo ng mga Delinquents sa 2nd floor. Nakakapagtaka ring may mga pasa at sugat ang karamihan sa kanila. I arched my eyebrow when I noticed the horror on their eyes when I passed them. Tumahimik ang kanilang grupo at hindi na nagtangkang tawagin ako. Infact, parang naging ilag pa sila sa akin.
Pagkarating ko sa classroom ay bahagya akong natigilan nang tila may namumuong tensyon sa loob. Sinalubong ako ng mga kalabog at sigawan. May nakita akong mga estudyanteng tila nagkakainitan base na rin sa kanilang malakas na pagtatalo.
"Ang angas-angas mo na porque na sali ka sa Alpha Fortress," sigaw ng matangkad na lalake at kinuwelyuhan ang isa pang lalake.
"Hindi ko alam kung bakit palagi niyong pinag-iinitang mga taga Genesis ang frat namin. Palibhasa mga inggit kayo dahil kahit anong pandaraya ang gawin niyo hindi niyo pa rin kami magawang matalo-talo," sagot ng lalaki na hindi man lang kinakitaan ng takot.
Mas lalo pang naging mainit ang bangayan ng dalawa. Mayroong mga iilang natataranta at nagmamadaling lumabas sa classroom. Halatang takot sila na madamay sa kung ano mang gulo ang maaaring mangyari.
Inilibot ko ang aking paningin. Nakita ko ang grupo nina Honey na nagmamasid sa gilid. Hindi ko ininda ang mga nakakabinging sigawan at naglakad ako palapit sa kanila. Tila napaka-engrossed ng mga ito sa panonood sa mga nangyayari dahil hindi man lang nila napansin ang papalapit kong mga yabag.
"Ano'ng nangyayari?" agad kong usisa nang tuluyan na akong makarating sa kanilang kinaroroonan.
Sabay silang napalingon sa akin. Bakas ang kaba at takot sa kanilang mga mukha na talagang ikinataka ko.
Napabuntong hininga si Resh. Nagkatinginan sila ni Honey na puno ng pangamba.
"Doomsday para sa mga Superiors at estudyanteng gusto ng kapayapaan kapag nagsimula nang magkainitan ang dalawang kinatatakutang frats sa Chaos," sagot ni Resh at napatingin sa kabilang bahagi ng classroom.
Sinundan ko ang kaniyang tingin. Napakunot ang aking noo nang may nakita akong pulang buzzer na parang fire alarm sa bandang iyon. Ang mas nakakapagtaka pa ay doon din nakatingin ang karamihan sa mga estudyante na nasa loob. Hindi ko maintindihan. Para kasi silang may kinakatakutan and at the same time hinihintay na mangyari.
"Any moment from now someone will surely start a war," kinikilabutan ang boses ni Jaylord. Bahagya pa akong napangiwi nang biglang yumakap sa kaniya ang takot na takot na si Ivan. "Balita ko nandito na daw si Eron. The devil frat leader of the Genesis had resurrected. Kaya siguro confident ang fratmates niya na manggulo ngayon."
"Jaymonio, natatakot ako. Ilang buwan ng walang ganitong nangyayari. Nakaka-trauma na ang mga ganito."
Siniko siya ni Jaylord.
"Mas nakakatakot pa rin ang mukha mo! Lumayo ka nga sa akin, baklang chansing!"
"Tumahimik kayo! Dumadagdag pa kayo sa gulo! Baka gusto niyong ipasuntok ko kayo sa miyembro ng Genesis!" asik ni Resh sa kanila.
Tinapik ni Honey ang kaniyang balikat.
"Guys, calm down."
Nawala ang atensyon ko sa kanila nang mas lalo pang lumakas ang mga sigawan. Umabot na pala sa pisikalan ang ginagawa ng dalawang lalake. Mayroon na ring iilang nakisali at may kampihan ng nangyayari.
"Tangina! Awatin niyo ang mga lecheng 'yan! Kung gusto niyo ng gulo huwag kayong mandamay. Kahit magpatayan pa kayo wala kaming pakialam pero huwag niyo lang ilagay sa war mode ang buong Chaos! Tangina niyo! Tayong mga Superiors lang din naman ang mahihirapan! Mga bobo!" nagimbal ako sa malakas na sigaw ni Rhea.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Mystery / ThrillerWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)