I turned my back from him and started to walk. Kahit gaano ko kagustong pahiran ang aking mga luha ay wala ring silbi dahil patuloy ito sa pagtulo. Kung kanina gustong-gusto ko siyang kausapin at sumbatan, ngayon naman ay tila umurong ang dila ko, hindi dahil sa kawalan ng lakas ng loob kun'di ay dahil sa inis ko sa aking sarili.
My ego rebelled and could not accept the fact that here I was, crying in pain, demanding justice inside the school where freedom and equality were next to impossible. The heck, Chaos University was supposed to make me tough and cold-hearted, but I ended up being emotionally vulnerable. I did not know if this school brought out the best or worst of me.
"Sinclaire!"
Hindi ko pinakinggan ang kaniyang pagtawag. Nagmamadali akong lumabas sa opisina niya. I wanted to have a fucking diversion, thus, I ended up complimenting the grandeur of the King's Edifice.
Kung maganda na ang Bishop's Edifice at Rook's Edifice, the adjective, 'beautiful' was an understatement to describe the King's Edifice. Para akong napunta sa palasyo ng mga hari't reyna. This place screamed royalty and emitted an ambiance that resembled the monarchy.
Nang tuluyan na akong makalabas ay napabuntong hininga ako. Pinagtitinginan na ako ng ibang mga estudyante at hindi ko maiwasang makaramdam ng iritasyon. I let my eyes wandered before I saw something that made me stop. Mula sa aking kinatatayuan ay nakikita ko ang ilang pang mga establishments at mga tindahan kahit may kalayuan ang mga ito.
According to what I'd read in the handbook, that was the downtown. It was the part of Chaos where stores, recreational places, bars and other buildings that would cater the necessity of the students were located.
I scoffed.
Kung hindi pa ako naghahanap ng divertion ay hindi ko mapapapagtanto kung gaano talaga kalawak ang unibersidad na ito.
Nagsimula na ulit akong maglakad habang iniisip kung paano ako makakapunta doon. Halos bumaliktad ang sikmura ko nang napadaan akong muli sa pinaglalagyan ng mga bangkay. Hindi ko na ito masyadong napansin kanina dahil sa aking pagmamadali. Imbes na magliwaliw ay umuwi ako sa aking dorm. Doon ako nagpatuloy sa pag-iyak at halos magwala. Ilang oras din akong nagkulong at natulog bago ako muling lumabas.
Kahit kalmado na ako ay hindi ko pa rin magawang harapin si Davil ngayon. Hindi ko alam kung bakit. I sighed helplessly. It was now or never.
Labag man sa aking loob ay bumalik ako sa King's Edifice. Wala siya sa kaniyang opisina kaya naglakad ako papunta sa kwartong pinagdalhan niya sa akin. I was fidgeting while walking. Hindi na ako kumatok at basta na lang itong binuksan.
Agad dumapo ang tingin ko kay Davil. Nakatalikod siya sa direksiyon ko at may kausap sa cellphone. Napako ako sa aking kinatatayuan lalona't narinig ko ang kaniyang boses.
"I already did what you want. Huwag ka nang magtampo."
The fuck! Sino ang kausap ng demonyong ito? Bakit ang lambing at banayad ng boses niya?
"Yeah, take care. Love you."
Bago pa man siya lumingon sa direksiyon ko ay mabilis kong isinara ulit ang pinto at tumakbo palabas.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero nakaramdam ako ng matinding iritasyon. Ang kapal ng mukha! Nagluluksa halos lahat ng estudyante samantalang ang hari nilang demonyo ay nakikipaglandian lang sa kaniyang kwarto.
Damn, parang naiiyak na naman ako. Puta!
Nagpasya akong pumunta sa downtown bago ko pa maisipang balikan si Davil at sakalin ito.
Dumaan ako sa parking lot sa pagbabakasakaling may masasakyan ako. Gusto kong sapakin sa mga oras na ito si Lush nang mapansing kong maraming mga nakaparadang mga sasakyan at kalimitan itong pagmamay-ari ng mga Superior.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Mystery / ThrillerWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)