EPILOGUE (HER POV)

6.6K 190 62
                                        

Makulimlim ang kalangitan nang makalabas ako sa sasakyan. Malungkot akong napangiti habang hinahawakan ang takas kong buhok na nililipad ng hangin.

Today was exactly ten years since he died.

"Mommy why are you smiling like an idiot? Care to get me first?"

I was snapped from my reverie when I heard that cute and arrogant voice. Napatawa ako nang makitang salubong na ang kilay niya. He was pouting while his cute arms were folded arrogantly across his chest. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan at mukhang naiinis na.

"Raider, don't talk to your mom like that!" Davil gave him a warning look.

Nilapitan ko si Raider at kaagad na binuhat. I pinched his cheeks dahil sobra akong naaaliw kapag nagsusuplado siya. Kaagad siyang napasimangot. My son even rolled his eyes. Akala mo talaga kung sinong matanda kung umasta.

"I'm not a kid anymore. Stop pinching me. And please put me down, Mom. I can walk by myself."

Napanguso ako. Saglit ko pa siyang pinanggigilan na panay na ang pagsimangot. Natatawa ko siyang ibinababa nang mapansing namumula na ang mukha niya.

"You're just five years old. You are still my baby—"

"We are still your Mom's baby." Davil chuckled. Kaagad siyang tumabi sa akin. Isinandal niya pa ang kaniyang ulo sa balikat ko habang ang kaniyang mga braso ay nakayakap sa aking beywang.

"No! I am not a baby anymore. I already have three girlfriends."

I laughed harder when he raised his four fingers hesitantly. May girlfriends na daw ang baby ko pero hindi pa nga marunong magbilang.

"What the fuck?" biglang napamura si Davil. Kaagad ko siyang nasiko.

"Iyong bibig mo!" saway ko.

"May abs talaga akong mababalatan mamaya. Kung ano-ano na namang kagaguhan ang itinuturo ni Vain kay Raider at Raiden."

"D-Daddy..."

Nakarinig kami ng mahinang paghikbi sa loob ng sasakyan. Umiiyak na lumabas si Raiden.

"Tss... cry baby,"  Raider commented when he saw Raiden. Umalis sa tabi ko si Davil at nilapitan si Raiden na umiiyak na.

Raiden Gray and Raider Grey were twins but they were totally opposite. Si Raiden iyong iyakin, daddy's boy at malambing. Samantalang si Raider naman ang suplado, pikon, feeling mature at palaging nakasimangot. Ayaw na ayaw niya ring nilalambing siya dahil hindi na daw siya baby. Naging dialogue na niya ang 'I'm not a kid anymore' since he was just three. Imagine my horror when he told me he was not a kid anymore when he could barely pronounced the words.

Hinawakan ko ang kamay ni Raider at nilapitan si Davil. Umiiyak pa rin si Raiden.

"What happen to my baby?" Davil asked gently.

Nang makita ako ni Raiden ay agad niyang itinaas papunta sa akin ang kaniyang mga kamay na para bang gustong magpakarga.

"M-Mommy..." He sobbed.

Ang cute niya. Pulang-pula na ang pisngi at namumugto na ang mga mata.

"Stop crying! You're ugly!"

"Raider!" saway ni Davil.

Sumimangot lang ang feeling mature. Kinuha ko si Raiden mula kay Davil. Huminto siya sa pag-iyak pero mahina pa ring sumisinghot. Nilapitan naman ni Davil si Raider na nakahalukipkip na at panay ang pag-irap.

"What happen, baby? Hmm..."

"I-I have a nightmare M-Mom..."

"It was just a nightmare baby, hindi iyon totoo."

KING OF TORMENTS [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon