CHAPTER 18

4.2K 125 11
                                        

Isang makulimlim na umaga ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa dorm. Malamig ang simoy ng hangin na tila nagbabadya ng isang masamang pangitain. The wind gave me an eerie feeling. I actually loved the weather, iyong tipong napakapresko at hindi ako agad pagpapawisan. But there was something about this day that made me uneasy.

Yakap-yakap ko ang aking mga braso habang tinatahak ang daan papunta sa cafeteria. I let my hair swayed in the rhythm of the wind as I embraced the coldness of the morning.

I was thankful that I was able to sleep last night despite the things that occupied my mind. But Davil's smirk remained vividly in my head, like a repeated song in my playlist.

Pagbukas ko pa lang sa glass door ng cafeteria ay agad tumahimik ang paligid. Dumako ang aking paningin sa isang mesang puno ng mga Delinquents. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng mga gagong ito, sila lang naman ang mga walang hiyang biglang nanghahalik sa may hagdan.

"Hi, Sinclaire!" tawag ng isa sa kanila sa akin at sumipol pa.

Napairap ako.

"Dito ka na umupo!"

As if, I'd rather starved myself than be with those douchebags.

"Sayang, wala si Leader."

Sa lakas ng usapan nila ay rinig na rinig ito sa cafeteria. Muli ko silang tiningnan. Nakita ko ang biglang pagtakip ng isang lalaki sa bibig ng kasama nyang panay ang tawag sa akin. May kung ano silang pinag-usapan bago dumapo ang kanilang tingin sa isang direksyon. They seemed horrified looking at the specific place. Then, their table became silent. Nagsiyukuan ang mga lalaking kanina pa sumusipol at tumatawag sa akin.

Inilibot ko ang aking tingin sa kabuoan ng lugar upang sundan ang kanilang tinitingnan. Napako ang tingin ko sa direksiyon ng pinakagitnang table sa cafeteria. Napa-arko ang kilay ko nang makita ang mga miyembro ng Upper Hierarchy na nakapwesto dito maliban kay Vain. Hindi ako nagulat sa presensya nila actually. Ang talagang ikinagulat ko lang ay kung bakit kasama nila sa iisang table si Amber. Nakaupo pa talaga siya sa tabi ni Davil.

I stared at Davil. Matalim ang kaniyang tingin sa mga lalaking biglang nanahimik. He glared at those jerks as if he wanted to burned them using his eyes.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Amber. Agad niya akong tinaasan ng kilay na tila ba nagmamalaki. I just glanced at her nonchalantly. Tila hindi niya nagustuhan ang aking inasta. Nanatili ang mapang-uyam kong tingin sa kaniya hanggang sa bigla siyang mas lumapit kay Davil. The latter continued to ignore her though. Davil was busy murdering those Delinquents using his gaze. Kumapit pa talaga si Amber sa braso niya. She smirked while looking at me.

Hindi ko na talaga napigilan at malutong akong napahalakhak. Sa sobrang tahimik ng paligid ay rinig na rinig ito sa loob.

"Pathetic," I murmured to myself bago ako dumiretso sa counter.

Seriously, where the fuck did she put her dignity as a woman? Mas mabuti pang tumandang dalaga kaysa manlimos ng pagmamahal.

Bitbit ang tray na pinaglagyan ng order kong pagkain ay muli ko na namang iginala ang aking paningin para makahanap ng pwedeng maupuan. I sighed in annoyance ng lahat ito ay okupado na.

"Sa labas na nga lang ako kakain," paghihimutok ko. Mabuti na iyon kaysa naman maki-share ako doon sa mga gagong lalaki.

Nagsimula na akong maglakad palabas nang bigla akong nakarinig ng boses na mas lalo lamang nagpatahimik sa paligid.

"Sapphire!"

I automatically stopped walking and turned my head to the direction of the voice. Sinalubong ako ng mapaglarong ngisi ni Vain. Hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala siya. He was grinning from ear to ear. Ang pilyo ng porma niya ngayon. Magulong buhok na tila bagong gising. Idagdag pa ang suot niya na parang pang boy next door ang pormahan. Ginaya niya ang hair style ni Thatum na hindi marunong magsuklay ng buhok.

KING OF TORMENTS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon