Wala kaming imikan ni Davil nang makabalik sa King's Edifice. Masyado pang lutang ang isipan ko dahil sa sinabi ni Ryker kanina. Gusto ko man siyang kausapin ngunit hindi na ako nagpumilit lumabas. Masyadong masama ang timpla ni Davil. Hindi man lang niya ako kinausap kahit anong sabihin ko. I slept at that night full of worries and confusion.
Kinabukasan ay mas lumala ang pag-iinarte ni Davil.
Gusto ko ngang magalit sa kaniya dahil bigla niya lang pinatay ang video ni Ryker kahapon bago ko pa man malaman kung ano ang gagawin ni Crimson sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy sasabog na ang utak ko sa dami ng katanungan.
Unang-una sa lahat, paano nalaman ni Ryker ang tungkol kay River? Ano'ng ibig niyang sabihin na nasa delikadong sitwasyon ngayon si River? The last time I checked, River's absence was one of the reasons why I was forced to enter Chaos University. Kung hindi lang sana siya missing in action ay baka wala ako ngayon dito. Noong umuwi naman ako sa Sinclaire Mansion ay hindi naging malinaw sa akin kung ano ang nangyari kay River.
Napabuntong hininga ako at padabog na naupo sa sofa. Napahilot ako sa aking sentido. River's absence was still a mystery for me. Sa sobrang busy ko sa mga katanungan ko sa paaralang ito, nakalimutan ko na ang tungkol sa aking kapatid.
Kung nasa delikadong sitwasyon si River, bakit ako pa ang pinuntahan ni Ryker? Mas makakabuti pa siguro kung kay Lush siya humingi ng tulong. May alam na ba si Lush tungkol dito? Damn it!
Nakarinig ako ng mga pagdadabog sa malapit. Nakita ko si Davil na pinagsisipa ang lahat ng nadadaanan niya. Halatang nagpapapansin lang siya dahil pati paglalakad niya ay ang bigat ng pwersa. Nagdadabog talaga.
I sighed in frustration. Isa pa 'to!
"Fuck!" may kung ano-ano pa siyang ibinubulong sa kaniyang sarili.
Kung hindi lang ako problemado ay baka naaliw na ako sa mga kilos niya. Salubong ang kaniyang kilay. He really looked irritated.
Mukhang hindi pa siya nakuntento dahil padabog siyang dumaan sa mismo kong harapan. Tinaasan ko siya ng kilay nang napatingin siya sa akin. Inirapan niya ako bago niya nanadyang sinipa ang paa ko na wala naman sanang ginagawa sa kaniya.
"Problema mo?"
"Pwede ba huwag kang humarang sa daanan ko?" pagsusuplado niya.
Napatingin ako sa malaking espasyong pwede niyang madaanan.
"Ang laki naman ng daan," I said a matter of fact. "Pwede ka pang gumulong diyan kung gusto mo."
His lips protruded. He glared at me while crossing his arms across his chiseled chest.
"I own this fucking place. Gusto ko dito dumaan kaya ikaw ang mag-adjust."
"Hindi ko naman inaangkin!"
"You're blocking my way!" Muli niyang sinipa ang paa ko. Hindi naman malakas pero sapat na para mairita ako.
"Fine! Sa'yo na 'yang space mo! Bwesit!" Tumayo na ako para iwanan ang moody na lalaki. Ngunit mabilis niya akong hinila at pinaupo ulit.
"Did I tell you to leave, huh?"
Nagsukatan kami ng tingin.
"Ang gulo mo!" I hissed.
"You're fucking dense!"
Mariin akong napapikit para kontrolin ang aking iritasyon. Masyadong magulo pa ang isipan ko at baka mag-away talaga kami nito.
Sinipa ko ang paa niya. Nagtangka ulit akong tumayo ngunit mabilis itong humarang sa akin.
"Sit down, brat!"
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Misterio / SuspensoWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)