CHAPTER 67

2.9K 72 7
                                        

Everything changed the day Davil knew about my relationship with Dale.

"Don't worry, Sapphire. I'll visit you," Dale assured when he noticed my irritation.

I nodded half-heartedly. Masama man ang loob ay wala akong nagawa kun'di ang bumalik sa dorm ni Kuya Lush. Nakadagdag pa sa mga iniisip ko ay ang mga sinabi ni Davil. I remembered the first time I met Dale. He called me brat. Maybe it was just a coincidence. Madalas na rin naman akong tawaging brat ni Kuya River. Siguro nakalimutan lang din iyon ni Dale kaya Sapphire ang tawag niya sa akin.

Kuya Lush acted berserk when Davil told him the reason why I couldn't stay in the King's Edifice now.

"Why are you doing this, Sappy?" Kuya Lush massaged his forehead with an evident frustration. He was pacing back and forth in front. Ilang minuto niya itong ginawa bago siya tila pinagsakluban ng langit at lupa na naupo sa tabi ko.

"Ano ba'ng masama sa ginagawa ko?"

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang reaksiyon nila. Wala naman kaming masamang ginagawa ni Dale. Dale was an ideal man at kahit sinong babae ay magkakagusto sa kaniya. I had always admired him for being understanding, despite the fact that I didn't like their set-up. I don't like the idea that he was living under the shadow of Davil.

"Launders and Sinclaires are not in good terms, Sappy. Let's just say, our families are the perfect example of modern Capulet and Montague."

"We're not Romeo and Juliet, Kuya. Stop using such comparison!"

He sighed. Banayad niyang tinapik ang aking balikat.

"You already knew from the start that it is forbidden. Stop playing with fire or you'll burn with it."

My lips trembled. Naramdaman ko na rin ang pamamasa ng aking mga mata dahil sa pinaghalong inis at frustration. Napatingala ako upang napigilan ito sa pagtulo.

"Kailan pa naging mali ang pagmamahal?"

Halos ibinulong ko na lang sa hangin ang aking tanong. Kuya Lush became silent even though I knew he heard it. Bagsak ang mga balikat na naglakad ako papunta sa higaan.

***

I looked at the wall clock. Malalim na ang gabi. Dahan-dahan akong umalis sa kama. I wore my hoodie. Pagkatapos ay sinilip ko ang kwarto ni Kuya Lush. Nang makita itong mahimbing ng natutulog ay nakaramdam ako ng relief.

Tahimik akong lumabas sa kaniyang dorm. Alam kong sa ganitong mga oras ay lumalabas si Dale. Afterall, darkness always made him feel freedom.

Hindi pa man ako nakakarating sa King's Edifice ay namataan ko na si Dale na nakatayo sa tapat nito. Agad akong napangiti at mabilis na tinawid ang distansya sa pamagitan namin. I hugged him tightly. I felt him stiffened in my embrace dahilan para mapakunot ako ng noo.

"Dale?"

"I'm not your Dale," the man replied coldly, almost lifeless.

Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ang katangahan ko. Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at mabilis na umatras palayo. My cheeks heated in embarrassment.

"Sorry," I almost whispered.

Napayuko ako at akmang tatakbo na palayo nang bigla siyang magsalita.

"The next time you'll mistaken me for someone I'm not, you'll never like what I might do."

I shivered upon his threat.

KING OF TORMENTS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon