Paulit-uling kong naririnig sa aking isipan ang naging sagot ni Davil. Nakakabingi, nakakapanghina at lubos na nakakalito. Pareho kaming kinain ng katahimikan pagkatapos ng kaniyang naging pag-amin. The silence around was making my head wandered around the thought of Dale. Although, my mind couldn't recognize him, part of my heart ached for his name. Knowing his possible connection to me arose raw feelings I couldn'explain clearly. Having this sensations triggered by his name, I was starting to be afraid. Natatakot ako kung ano pa ang maaari kong malaman. Kung sa isang pangungusap pa lang ni Davil ay nagulat na ako, ano pa kaya kung malaman ko na ang buong kwento sa likod ng kaniyang pangalan?
"Blaze was my first love..." I tried to reason out based on what my mind remembered. Bahagya kong nilingon si Davil. His back was against the headboard. Nakayuko siya at hindi pa nag-aangat ng tingin pagkatapos ng kaniyang rebelasyon. Nakatitig siya sa kamay ko na kanina niya pa hawak-hawak.
"You might love that asshole Alcantara but believe me, brat, when I say your feelings for him will surely pale in comparison to what you feel for—" He swallowed hard. "To what you feel for... Dale."
I looked away when I couldn't stand hearing the pain in his voice.
"I can't remember him, Davil. Not even a single thing... kaya paano ka nakakasigurado sa sinasabi mo?"
I wanted to put logic in his mind about my situation. Iilan lang ba sa mundo ang nagawang kalimutan ang ganito ka importateng detalye sa kanilang buhay? And the fact that I couldn't find any rational reason why I couldn't remember Dale was beyond confusing. If he was my first love... what was the possible reason why I forgot him including Davil and the Upper Hierachy? Did I lose my memory or what? But it didn't make sense if that was the case. Kahit naman siguro kapag nagka-amnesia ako ay maaalala ko ang panahon kung kailan ako nawalan ng memorya.
I grew up sheltered from the enemies of my parents, even though, ironically, my parents were the biggest antagonist in my life. Wala akong maalalang napunta sa peligro ang buhay ko dahil malupit man sila sa pagpapalaki sa akin at pilit akong hinuhulma sa paraang gusto nila, sinisigurado naman nilang ligtas kaming magkakapatid. Kaya doon pa lang sa mga rasong nabanggit ko nasisigurado kong hindi ako kailan man naaksidente at nawalan ng memorya. Iyon nga lang, ang kahuli-hulihang maaaring maging eksplenasyon sa nangyayari sa akin ay tuluyan ng nabura. I was left with nothing as of now, a total dead end to my endless questions.
"How can I be certain about the comparison? That you love Dale more than that Alcantara..." He suddenly chuckled without a trace of humor. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Nanginginig pa rin ito kahit gaano ko man piliting ipirmi. "Because I was there, brat. I was there watching you when you couldn't tear your gaze away from him. I was there the day you started loving him..."
His answer made me sobbed harder. Parehong nanginginig ang aming mga kamay sa labis na emosyon. Mas lalo lang akong nasaktan nang mag-angat siya ng tingin at nakita ko ang nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata. His violet eyes glimmered with tears and pain. Kusang dumapo ang aking palad sa kaniyang pisngi nang tuluyang tumulo ang kaniyang panibagong luha.
"But I love you now..." I whispered. I took a deep breath while wiping his tears. "Tell me more about Dale. How did I meet him? Was he your friend? Where is he now?"
He was about to speak when we heard an urgent knock on the door. Nagkatinginan kami at kahit wala mang salita sa pagitan namin, pareho naming alam kung ano ang maaaring mangyari kapag binuksan na niya ang pinto.
"I'll tell you every thing but I need to face my father first..." he was a bit hesitant. He looked at me fondly, as if my approval really mattered to him.
Kahit gusto kong magtanong muna ay tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Mas mabuti nga sigurong harapin niya muna ang kaniyang ama ng sa gayun ay mabigyan ako ng sapat na panahon upang makapag-isip ng mabuti. Hindi pa rin kayang tanggapin ng aking isipan ang mga narinig. Ramdam ko ang protesta ng aking utak dahil kanina pa ito kumikirot.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Mistério / SuspenseWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)