Nakahalukipkip kong pinagmasdan si Davil. He was cooking something while I remain sitting. Sa unang pagkakataon ay nakita kong may silbi ang mga kitchen utensils na akala ko props lang sa King's Edifice. Kadalasan kasing sa cafeteria kumakain si Davil at ang tatlong gago.
"May tanong ako..."
Saglit siyang napalingon sa akin. He nodded urging me to continue.
"Ilang araw na akong hindi pumapasok sa klase, bakit buhay pa ako?"
"What do you mean?"
"I'm actually expecting a death threat from Saunder. Himala't wala pang dumarating." I yawned.
Maaga akong ginising ni Davil. I was still sleepy. Wala pa sana akong planong bumangon kahit hagisan niya ako ng granada, pero naalala kong may marami pa akong mga tanong sa kaniya. I was still confuse about the set-up. I could not even properly digest the thought that I was already a Queen. Isa ito sa mga rason kung bakit halos wala akong maayos na tulog sa mga nagdaang gabi. Ni hindi ko nga alam kung ano ang mga responsibilidad na nakaatang sa akin. I was fucking clueless!
Hindi din ako madalas lumabas, kung lumalabas naman ay madalas sa main office ako ng Upper Heirachy pumupunta. Nagpapahatid lang ako ng pagkain dito at kapag tinatamad ako ay cup noodles ang pinapatulan ko.
He chuckled.
"Ikaw ang may hawak sa oras mo ngayon, brat. You're not required to attend class—"
Biglang kuminang ang aking mga mata sa tuwa.
"So, I'm no longer a student?"
He turned off the stove. Inayos niya rin ang kaniyang mga ginamit. I waited patiently for his answer while he prepared our foods.
"You're still a student. But you don't need to follow the Rook's rules. You are no longer under his jurisdiction."
Napakunot ako ng noo.
"Hindi ko maintindihan."
Inayos niya ang dining table. He put two plates, spoons and forks. Pati ang mga ulam na kaniyang niluto ay maingat niyang inilagay. Umupo siya sa tabi ko. Imbes na sa pagkain ako humarap ay nakatutok ang aking paningin sa kaniya.
"You're still a student but unlike the others, hindi mo na kailangang sundin ang quota ni Saunder. Nasa iyo na kung kailan mo gustong mag-take ng assessment. Hindi ka na rin require na sumali sa Clash of the Clubs. Because just like the Rook, you're no longer under the jurisdiction of the Bishop." Maingat niyang paliwanag. Nanatili ang kunot sa aking noo.
I pouted when his gaze remained on me. He seemed so amused with my expression. Agad kong tinabig ang kamay niya nang nagtangka siyang hawakan ang nakanguso kong mga labi. He just grinned like a lunatic.
I cleared my throat. "Explain further." I pressed my lips tightly. Nahahawa na ako sa mannerism ni Lush at Vain.
Kinagat niya ang kaniyang labi, tila nagpipigil ng ngiti. Honestly, hindi ko ma-gets kung ano ang nakakatawa. Nagiging abnormal na ang isang ito. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kagaguhan nila noong nakaraang linggo. Nagpanggap na lang akong walang narinig. Ambag ko na iyon sa pagsasalba sa kanilang dignidad. Nang minsan kong nadaanan si Crimson ay tila ba problemado siya. Kahapon naman ay tuwang-tuwa si Vain na ibalita kay Davil na maraming death threat na raw na natatanggap si Crimson. See? They were crazy!
"The agreement will not change regardless of your position in the Upper Hierachy. Nakasaad doon na kapag natapos mo ang curriculum ay hindi na guguluhin ng gobyerno ang Sinclaire Mafia. The agreement was created by my father and your parents and for that reason it will remain untouchable and irrevocable. Hindi ko iyon mababago dahil hindi na iyon parte ng aking kapangyarihan bilang hari ng Chaos."
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Mistério / SuspenseWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)