"Kuya Lush, why are you crying?" tanong ko kay Kuya nang makita siyang umiiyak.
Mabilis niyang pinahiran ang kaniyang mukha at humarap sa akin. Para siyang tanga kasi kahit humihikbi pa ay pilit pa rin siyang ngumiti nang makita ako.
"Come here, Sappy," sininyasan niya akong lumapit sa kaniya.
Nagtataka man ay lumapit din ako. Gusto kong magsumbong sa kaniya dahil inaway ako ng mga kaklase ko. I automatically hugged him when I felt my tears building in the corner of my eyes.
"K-kuya..." my voice croaked.
Agad siyang nataranta.
"Sappy, you okay? May sugat ka ba? Bakit ka umiiyak? I told you if you have wounds don't look at it."
Suminghot-singhot ako.
"Kuya, can I ask you?"
"What is it, Sappy?" He caressed my back. The concern was too obvious in his voice. Pinahiran ko ang mga butil ng luha sa aking pisngi.
"Hindi ba ako love nina Mommy at Daddy? My classmates told me that when your parents love you they will kiss and hug you. They will also attend in my family day. Tapos palagi daw silang nasa tabi ko. Daddy and Mommy always leave... 'di ba talaga nila ako love?" I asked in a shaky voice then, sobbed.
Kita kong nasasaktan din si Kuya sa tanong ko. Halos hindi siya makapagsalita. Sa halip ay tumulo ang mga luha niya. Dalawa na tuloy kaming umiiyak.
"God... I love you, Sappy. Hindi ko man kayang punan ang pagmamahal ng isang magulang pero dodublehin ko naman ang pagmamahal ko sa 'yo bilang isang kapatid. You're too young for this."
Sa mga naging sagot pa lang ni Kuya Lush alam ko nang hindi ako mahal ng mga magulang namin.
....
"Yaya lets play!" I called my Yaya. I giggled while holding the doll Kuya Lush bought for me. It was so beautiful just like me!
Napanguso ako. Hindi siya sumagot kaya nilapitan ko siya. She was crying so hard. I looked at her curiously. My eyes kept on blinking while trying to analyze why she cried.
"Sino po'ng umaway sa'yo?"
Nang makita niya ako ay bigla niya akong niyakap na siyang ikinagulat ko.
"Baby girl, palagi kang magpakabait, ha? Kahit wala na si yaya sa tabi mo dapat good girl ka pa rin." Mas lalo siyang umiyak. Her shoulder moved up and down as if she was suppressing something. My eyes widened. May bad guy siguro kaya umiiyak si yaya! Inaway niya ang yaya ko!
"A-at kahit ano'ng mangyari huwag mo silang tularan. Huwag mong hayaang baguhin ka nila. Keep your heart pure and innocent. K-kung may kakayahan lang sana ako... Iaalis kita rito—" hindi na niya natapos ang kaniyang sinasabi. Kasabay nito ang pagputok ng baril. Napatingin ako kay yaya dahil biglang lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. I screamed in fear when I saw what happened.
"Bakit niyo po siya pinatay?" humihikbi kong tanong habang nakatingin sa walang buhay kong yaya.
Nag-angat ng tingin ang aking ama. Wala akong makitang pagsisisi sa kaniyang expression. Habang ako ay nanginginig na sa takot.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Mystery / ThrillerWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)