The strange words from the nurse remained inside my head. Paulit-ulit kong iniintindi kung ano ang ibig sabihin niya. Why did I feel like there was something behind those words? That something useful hid between the lines?
"Please, alagaan mo ng maayos ang kapatid ko. Kapag 'yan nasaktan ulit, kahit anak ka pa ng presidente bubugbugin kitang tangina ka!"
I rolled my eyes. Nagsimula na namang umastang parang tatay ko si Lush. Nakapameywang pa siya sa harapan ni Davil at panay ang talak. Lush was really nagger when it came to my safety.
Davil simply nodded like he was already tired with Lush's nonsense reminder. Kanina pa iyan sa loob ng ospital at hanggang ngayong pabalik na kami sa Chaos ay hindi pa rin siya matapos-tapos.
I scratched my right eyebrow while looking at them lazily. Nagtama ang tingin namin ni Davil na kanina pa pasulyap-sulyap sa akin. Naghihintay na ako sa gilid nang nakaparadang sasakyan samantalang nakatayo sa hindi kalayuan ang dalawa. Basta na lang kasi siyang hinila ni Lush para daw magkaroon sila ng heart to heart talk. Akala naman ni Lush hindi ko maririnig ang mga sinasabi niya. Kulang na lang ata sumigaw siya, e.
I just raised my eyebrow when he pouted and scratched his eyebrow. Pasimple niyang sinulyapan si Lush na patuloy pa rin sa pagsasalita bago ako nilingon muli na tila ba nanghihingi ng saklolo.
I rolled my eyes. Mabibigat ang mga hakbang na nilapitan ko ang dalawa. Tumabi ako kay Davil at nakahalukipkip na tiningnan si Lush.
"Alis na kami," sabat ko nang magsisimula na ulit siya sa bago niyang litanya.
"Doon ka nga, Sappy! Balik doon!" Inginuso niya pa ang sasakyan at parang batang nagpapadyak-padyak sa inis. "Usapan 'to ng mga lalaki!"
Davil chuckled and pulled me closer. Nakahawak siya sa baywang ko habang nakasandal ang kaniyang ulo sa balikat ko na hindi injured. Nagkasalubong ang kilay ni Lush at tila handa ng maghamon ng patayan kay Davil.
"What the hell, Launder? That's my sister! Show some respect and stop flirting with her in front of me!"
"Tumalikod ka na lang," Davil lazily answered before he yawned.
Lumubo ang pisngi ni Lush bago siya marahas na bumuga ng hangin. Paulit-ulit siyang bumubuntong hininga na tila ba pinapakalma ang kaniyang sarili. Ang matalim niyang tingin ay dumapo sa akin.
"Ikaw naman Sappy—"
"Ano?" pabalang kong tanong at inambahan siya ng suntok. Tumawa si Davil habang napatalon sa gulat si Lush. "May sinabi ka?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Ang sabi ko I love you! Tangina, kapatid mo ako! Bakit mukhang mas mahal mo na ang gagong 'yan?"
Hindi ko siya sinagot. Hinila ko na palayo si Davil papunta sa sasakyan. Sumunod si Lush at mabilis na pinaghiwalay ang aming mga kamay. Natawa na lang ako dahil pulang-pula na ang kaniyang mukha sa pinaghalong inis at konsimisyon.
"Sinclaire tayo, Sappy! Wala sa lahi natin ang marupok at easy to get!"
Napanguso ako bago siya nilapitan. I hugged him. Doon lang siya tuluyang tumahimik. Nagulat na lang ako nang makarinig ako ng mahihinang pagsinghot. This was Lush when he was with me. Madrama.
"Bye, kuya. Hindi ka kagwapuhan kaya huwag kang umiyak. Gross." I patted his back. Si Davil ay nanatili sa likuran ni Lush habang naaaliw na nakatingin sa aming dalawa.
"Ang pangit mo rin. At sinong umiiyak? Sinisipon lang ako! Hindi ka kagandahan para iyakan ko—" at pumiyok po ang kaniyang boses. "Ingat ka do'n ha."
Tumango ako at pilit nilalabanan ang ngiting gustong kumawala sa aking mga labi. Nang kumalas siya sa yakap ay agad kong tiningnan ang mukha nito. Pasimple niyang pinahiran ang kaniyang luha. Ang matalim niyang tingin ay agad dumapo kay Davil na inosenteng nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Mister / ThrillerWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)