CHAPTER 42

3.9K 103 18
                                        

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan pagkatapos kong mabasa ang resulta ng mga laro at iba pang competitions. Kasalukuyan akong nasa Bishop's Edifice. Dito kasi nakapaskil ang mga resulta.

Nanatiling pang-apat sa standing ang Masqueraders. Nangunguna ang Diplomats ngunit dikit na dikit lang ang pagitan ng kanilang mga puntos ng mga Delinquents. Pangatlo naman ang mga Liars.

Ito ang pangpitong araw ng Clash of the Clubs. Mamayang gabi gaganapin ang Bloody Combat. Sa mga nakalipas na araw ay mas naging competitive ang bawat clubs. Everyone was eager to win. Lahat ay halos handang makipagpatayan para sa puntos.

"Lamang nga sila ng puntos pero mas maganda naman ako!" Ivan tried to lighten  the situation.

"Puta! Gigil ako diyan sa mga Diplomats!" Sumimangot si Rhea at paulit-ulit na binasa ang standing.

"Basta maganda ako!"

Iniwan ko na ang dalawa. Mukhang matatagalan pa sila sa loob. Halata namang hindi pa matanggap ng mga ito ang naging resulta.

I knew the Masqueraders did their best. Ang mahirap kasi sa sitwasyon naming mga Superior ay nahahati kami sa ilang clubs samantalang solid ang iba pang hierarchies. Higit na marami ang miyembro ng ibang heirarchies kumpara sa amin at hindi maipagkakailang malaki ang epekto nito sa amin.

Now, I was starting to doubt if being a Superior was a privilege or a curse inside this school. We were provided with better dorms and we were ahead in terms of luxury but sadly, we became the center of the gamble. We became the frontliners among the pawns. We were the baits of our greedy parents and the the Upper Hierachy were eager to eliminate us.

***

"Where have you been?"

I raised my eyebrow. Kakapasok ko pa lang sa King's Edifice ay ito na ang tanong na bumungad sa akin. Davil was leaning on the wall while giving me a glare. Nakapamulsa siya. Parang wala lang sa kaniya ang ayos niya pero halos matapilok na ang mga napapadaan sa kaniyang harapan. Nasa lobby siya ng King's Edifice at tila modelong nakasandal. Aside from his jaw dropping pose, his aura was really intimidating. Kaya hindi ko masisisi kung ilang babae na ang natapilok nang makita siya.

Hindi ko siya pinansin at mabilis naglakad papasok sa elevator. Pagkatapos ng nangyari sa Sayawan Booth ay parang nagkaroon na ng malaking pagbabago sa pagitan namin ng lalaking ito. I couldn't say it was positive though, in fact the changes were scary. Davil was slowly turning into someone I never expected.

Sariwa pa sa ala-ala ko kung paano niya pinahiran ang mga luha ko noong araw na iyon. I thought he would be upset at that time because of what I did. But instead, for the first time, he wiped my tears that Dale brought.

Sumalampak ako sa couch pagkarating ko sa taas. Wala pang ilang minuto ay dumating sa harapan ko si Davil na halos bugahan na ako ng apoy.

"Saan ka galing?" Bahagya niya akong itinulak at padabog na umupo sa tabi ko.

"Sa tabi-tabi lang... nanlalaki." I boredly answer. Naiinis kong inayos ang buhok ko. Mahaba na kasi at minsan nakakairita na.

"What the hell, brat?"

I cringed. Ang lakas ng boses. Nasa tabi niya lang naman ako pero kung makasigaw ay parang taga-kabilang bundok kausap.

Tinaasan ko ulit ito ng kilay.

"Ano? Inggit ka?"

He leaned closer while his eyes formed a dangerous slit. Bahagya akong napaatras ngunit mas hinila niya lang ako palapit. I gulped. Ito na naman. Tarantado talaga. Lalandiin na naman ako.

KING OF TORMENTS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon