CHAPTER 27

3.8K 106 15
                                        

Hindi ko mapigilang mapa-irap habang sinusundan ng tingin ang mga kaklase kong nagmamadaling lumabas. Halos magpatentero na ang mga ito sa may pinto.

"Chaosers, please proceed to the Central Torments right now. Chaosers, please proceed to the Central Torments right now."

Paulit-ulit na anunsyo ang namayani. Nasa kalagitnaan ako nang pag-aaral nang biglang umalingawngaw sa loob ang boses na parte ng security system ng Chaos.

"Sino kaya ang mapaparusahan ngayon?"

"Ako na ang kinakabahan kung sinoman iyon."

I rolled my eyes. Ito na ba ulit ang panahon kung kailan magbibigay ng dictum si Davil?

I lazily stood from my seat and yawned. Halos mabuwal pa ako sa aking kinatatayuan dahil sa labis na antok.

For the second time, hindi ako nakatulog ng maayos sa gabi. Maliban sa ginugulo na naman ako ng aking mga nabasa, ay napakabrutal ni Davil si kama. I suddenly cringed when I realized that my thoughts are kinda awkward and impying something I didn't intend. For Pete's sake, I sounded like I was thinking about immoral thoughts about sex. I mentally scolded myself.

Napakabrutal ni Davil dahil ilang ulit niya akong itinulak paalis sa kaniyang king-sized bed. Ang laki-laki naman sana pero hindi ko mabilang kung ilang ulit niya akong sinipa. Bahagya lang akong nakaidlip at nang muli akong nagising ay nakipag-face to face ako sa sahig. Great, just great!

Siguro panahon na para pakialam ko ang ibang kwarto sa King's Edifice.

Nakasalubong ko si Vain nang papalabas na ako sa main building. Para itong wala sa kaniyang sarili at mukhang ilang araw ng walang maayos na tulog.

Nagkibit balikat na lang ako at muling naglakad.

"Sappy!"

I looked back.

"What?"

Napakamot ito sa kaniyang ulo. He looked hesitant and bothered.

"Damn, I need to tell you something."

Nakaramdam ako ng curiosity dahil masyadong seryoso ang kaniyang boses. I arched my eyebrow and gave him my full attention.

"Ano?"

"Sappy, naalala mo pa'ng nangyari sa bar?"

Napakunot ako ng noo. Bar? I tried to recall what happened but I couldn't remember the details. Ang huli kong naalala ay ang eksenang pinagtulakan ako ni Thatum palabas sa kaniyang sasakyan pati na rin ang pagpasok ko sa loob ng bar. But other than that, I couldn't remember anything.

Bigla akong kinabahan.

"Bakit ano'ng nangyari?"

He swallowed hard as if he was in the verge of of telling something that would shock me.

"Vain!" I demanded with urgency. Nagtatakbuhan na ang karamihan sa mga estudyante papunta sa Central Torment kaya wala na akong panahon para makipagtitigan kay Vain.

He sighed.

"Sappy, pareho tayong nagkamali."

I was caught off guard in what he said. Ang raming konklusyon na ang pinagtagpi-tagpi ng aking utak. And all of those thoughts were horrible.

"Damn it, Vain! Ano nga?"

Napalunok ulit ito.

"Sappy," he paused, putting more suspence in our situation. "Hindi duck, cover and roll over ang dapat gawin kapag may lindol. It should be duck, cover and hold."

KING OF TORMENTS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon