I felt the intensity of Saunder's words. Magulo man ang isipan ko ay nagawa ko pa ring tumango.
"I'll leave... don't worry," I replied coldly.
Nakahinga ng maluwag si Saunder. I looked at Ryker. Kita ko ang butil-butil na pawis sa kaniyang noo.
"Let's go, Ryker. I need to save my brother," I told him with urgency.
Mabilis siyang tumango.
"I'll go with you," Saunder suddenly said.
Dahil sa kawalan ng oras para makipagtalo sa kaniya ay tumango na lang ako. Hindi na ganoon kalaki ang galit ko sa lalaking ito dahil unti-unti kong naiintindihan kung ano ang kaniyang ipinaglalaban. Maliban pa doon, mas mapapadali ang paglabas namin sa Chaos University kung kasama namin ang Rook.
"Follow me," he started walking.
Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating kami sa parking lot. Lumapit si Saunder sa isang nakaparadang sasakyan, ngunit bago pa man kami tuluyang makapasok ay humahangos na dumating sina Vain at Thatum. Mabilis na nag-landing sa noo ni Saunder ang mansanas na may kagat na, at kahit hindi ko lingunin ay nasisigurado ko na kung sino ang salarin.
"Where the fuck do you think you're going, fucker?" Thatum's angry voice echoed around. Tinawid niya ang distansya nila ni Saunder at kung hindi lang kaagad humarang si Vain ay baka nagkagulo na ang dalawa.
"Relax lang mga ka-abs! Utang na loob magkaka-wrinkles ang abs ko sa konsimisyon!" Vain tousled his hair. Pilit niya pa ring inilalayo ang dalawa.
Saunder sneered. Bahagya niyang hinimas ang noo niya na namumula na. Thatum looked mad. Salubong ang kilay nito. His eyes that used to be sleepy were now wide with anger.
"You're IQ is higher than the average people which means your logical reasoning is fucking impressive. Then, why are you so dumb right now?!"
"I'm only doing what's right. So get out of my way and let us leave," Saunder answered in a calm voice.
Nagkatinginan kami ni Ryker. Panay ang pagnguso niya sa kaniyang relong pambisig. He was in panic. Napabuntong hininga ako. I stepped forward and patted Thatum's shoulder before he could even spit another words. Bahagya ko ring tinapik ang braso ni Vain.
"Let us leave, please. Hindi babaliin ng Sinclaire ang kasunduan. Aalis ako pero papalitan ako ni River," mahinahon kong paliwanag.
Napatingin ako sa paligid. Naniniguradong hindi ako sinundan ni Davil. Mas mahihirapan kaming makaalis kapag sumali pa iyon.
"At saan ka pupunta, Sappy? You'll save your brother from his abductor which is technically, your father. It doesn't make sense at all. Bakit gusto ka niyang paalisin sa Chaos kung in the first place plinano niyang i-set up ka para makapasok dito? At bakit kayo nagmamadali? He's your father, right? No father has the heart to kill their own son," Vain spoke.
Saglit akong natigilan nang makuha ang ipinupunto niya. Masyadong magulo ang isipan ko ngayon na halos hindi na ako makapag-isip ng tama.
"Isn't it too suspicious? Paano kung trap pala iyan? And why would your father used your brother to ger you, ugly girl? Can you look at the possibilities first before going there unarmed?"
Kung ang rason ko lang sana ay mailigtas si River ay baka hindi na ako tumuloy sa pag-alis, ngunit gusto ko ring makausap si Daddy. Kahit na naguguluhan ako sa motibo at mga ikinikilos niya ay desidido pa rin akong lisanin ang unibersidad na ito. Sapagkat alam kong hindi ko rito makikita ang sagot sa mga tanong ko. If I wanted to know why I couldn't remember anything, I should have ask to the people who knew me better—my parents.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Mystery / ThrillerWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)