Part of my consciousness knew I was dreaming. But even with that little assurance in my head, the fear in my system didn't subside, nor falter even a bit.
Madilim.
Nakakatakot.
Ang mga katagang kayang maglarawan sa aking kasalukuyang nakikita.
I was standing in a place enveloped with an eerie darkness. Nakaharap ako sa isang abandonado at tila walang katapusang daan. Pinipilit kong aninagin ang buong lugar ngunit wala akong makitang kahit anong palatandaan na makakapagsabi kung nasaan na ako. The haunted road that looks like it stretched in an infinite distance, lured me to step forward. I continued to roam my stare in the vicinity.
Despite its oddity the place gave me a sense of familiarity.
Dahan-dahan akong naglakad. Sa sobrang tahimik ng paligid ay rinig na rinig ang aking bawat paghakbang. Sinubukan kong ibukas ang aking bibig ngunit ang pagtatangka kong pagsigaw ay nauwi lamang sa isang mahinang bulong.
"Dale..." I murmured so softly. Pati ako ay tila nagulat sa lambing ng aking boses.
Nakarinig ako ng mga halakhak. Napalingon ako sa paligid ngunit hindi ko mahanap ang pinanggalingan ng boses. Mabilis akong naglakad habang patuloy pa ring pinapakinggan ang naturang mga tinig. May pamilyar na pakiramdam ang pinupukaw ng boses na ito sa aking sistema. Napahawak ako sa aking ulo nang bigla itong kumirot. Suddenly, there were flashes of hazy images in my mind. Parang mga larawang ipinapakita sa akin sa mabilis na paraan. Kung gaano kabilis ang aking pagkurap ganoon din kabilis na nagpabago-bago ang mga imahe, kaya bago pa man ito rumehistro sa aking isipan ay tuluyan ko na itong nakalimutan.
I needed to remember it. Damn it!
The laughters started to fade. Nataranta na ako. Mas naging mabilis ang aking paglalakad hanggang sa tuluyan na akong tumakbo. Gusto kong sumigaw ngunit ang tanging lumalabas lang sa aking bibig ay ang katagang...
"Dale..."
Mabibilis ngunit puno ng pag-iingat na pagtapik sa aking balikat ang biglang humila sa akin pabalik sa kasalukuyan. I opened my eyes hastily. Iginala ko ang aking paningin habang patuloy pa ring hinahabol ang aking hininga. Tila nanggaling ako sa mahabang pagtakbo.
Nanginginig ang aking kamay. I was sweating too much.
Disorriented kong pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan ko. Nakahiga ako sa malambot na kama sa isang hindi pamilyar na lugar. Napakunot ang aking noo nang sinalubong ako ng mga estrangherong mata. Lahat ng mga ito ay nakatingin sa akin na may bakas ng pag-aalala.
"Mabuti naman at gising ka na." The stranger smiled. He was so manly and rugged. May piercing siya sa labi, magulo ang buhok at sa unang tingin pa lang masasabi mong isa siya sa mga taong sanay na sa mundong puno ng karahasan.
Napatitig lamang ako sa kaniya at hindi na nagsalita. Sino ang mga taong ito? Bakit ako nandito? Bakit kung tumitig sila sa akin ay puno ng pag-aalala?
"Huwag kang matakot. Ligtas ka rito," muling nagsalita ang lalaki.
Tiningnan ko ang iba pang mga taong nasa loob. Kadalasan ay mga lalaki at katulad ng nagsalita, pakiramdam ko sanay na sila sa karahasan. The scars they have and the way they carried themselves were enough to prove my assumption.
I stared at them with hostility. Mukhang napansin ito ng lalaking kumausap sa akin dahil agad niyang sininyasan ang iba. Agad nagsilabasan ang mga ito at ang tangi na lang naiwan sa loob maliban sa akin at sa lalaking nagsalita ay dalawang lalaki at isang babae. Bahagya akong natigilan nang mapansing may namumukhaan ako sa mga naiwan.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Mystery / ThrillerWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)