CHAPTER 47

3.7K 116 7
                                        

I was looking at the IV attached at the back of my palm. Kanina ko pa ito pinagmamasdan simula nang magising ulit ako. I was observing my own behavior and reflex right now. Napangiwi ako at agad nag-iwas ng tingin ng bigla na namang nahaluan ng pulang likido ang maliit na tube na nakakabit sa akin. Kaunting galaw ko lang or tuwing napre-pressure ko ang aking kamay ay nagkakaganiyan ito. I really hated hospital! It made me sick even more.

"Davil... Davil!" Natataranta kong tawag sa kaniya. Nakaupo siya habang nakasandal ang kaniyang ulo sa gilid ng hospital bed na kinalalagyan ko. Wala pa atang limang minuto siyang nakakapagpahinga dahil palagi kong tinatawag.

"Davil!" Mas lalo akong nataranta nang makitang nagsisimula na namang umakyat ang dugo. Instead of the fluid coming from the dextrose flow towards my veins, I saw blood in the small tube ascending. Sabi nila normal lang naman daw 'to pero tangina! Para akong hihimatayin kapag nakikita ko!

Ang nakapikit nitong mga mata ay dahan-dahang bumukas. Agad nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang kaunting kalabit na lang ay maiiyak na ako. I bit my lips. Agad kong itinuro ang aking kamay habang nanatili ang aking tingin sa kanya.

He shook his head and smiled like he was amazed with something. I glared at him.

He sat beside me. Ingat na ingat pa rin siya upang hindi matamaan ang sugat ko. Masamang damo talaga siguro ako dahil hindi naging delikado ang naging tama sa akin. Sa kaliwang balikat ako natamaan at kung naging asintado lang si Eron ay baka sa dibdib pa ako nadali.

"Relax, brat." He chuckled.

"Are you making fun of me?" I snapped.

"You woke me up for ten times because of the same reason, brat."

"So nagrereklamo ka na?"

"Hindi," tipid niyang sagot. He yawned. He stared at me with sleepy eyes. Napanguso ako bago siya inirapan. Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya at pinagmasdan na lang ang tatlong gago na nandito pa rin sa ospital at kasalukuyang natutulog.

Maiintindihan ko pa kung bakit nandito si Vain dahil maharot ang lalaking ito pero iyong dalawa? Hindi ko alam kung bakit nandito. Pasimpleng malandi ang lalaking mukhang abs at kahapon ko pa napapansing nagpapa-cute sa mga nurse. Malakas ang aircon pero bigla na lang maghuhubad ng t-shirt kapag may nurse na pumasok. Para pa siyang tangang palakad-lakad sa loob at pinapaypayan ang sarili habang panay ang parinig kung gaano daw siya ka-hot at kahit aircon walang panama sa kanya. See? His name suited him well. Vain was really vain.

Si Thatum naman ay walang ibang ginawa sa loob kun'di ay matulog. Siya rin ang kumakain sa prutas na dinala nila dito. Kahapon pa bumili ng mansanas si Davil pero pagkagising ko ngayong umaga ay ubos na. Ni hindi man lang ako kinumusta ng gago. Pumunta lang ata 'yan rito para makikain.

While Saunder, he just kept on glaring at me na para bang may malaki akong kasalanan sa kaniya. Noon pa man pansin ko na ang disgusto niya sa akin pero mas lalo lang atang lumala ngayon.

Ano na kaya ang nangyari sa Chaos? Nandito kasi ang Upper Hierachy. Baka nagpatayan na ang mga estudyante doon dahil walang nagbabantay.

Speaking of Chaos, muli ko na namang naalala ang tungkol kay Eron. Hindi ako makapaniwalang naging miyembro siya ng Upper Hierarchy. Nahulog na naman ako sa malalim na pag-iisip nang bigla akong may napagtanto.

According to the handbook for the past years, dapat dalawa ang Knight, Bishop at Rook. Naguguluhan ako kung bakit isa na lang ngayon. What happened to the other members? Rhea told me that the handbook was revised. Ang tanong kailan at bakit? Kung na-revise ang handbook kasabay ng pagwala ng ibang miyembro ng Upper Hierachy, was it possible that Dale was connected with them? Kasabay bang ipinagbawal ang pangalan niya sa pagbabawas ng miyembro? Kung ganoon nga ang nangyari ay maaaring may koneksiyon talaga si Eron kay Dale. Was Dale his friend? Isa ba si Dale sa mga naging dating miyembro ng Upper Hierachy? Pero kung ganoon, bakit hindi naman naging forbidden name ang Eron? At higit sa lahat nasaan na si Dale ngayon?

I whimpered when my head started to ache. Kailan ba ako patatahimikin ng aking mga tanong?

Davil gently combed my hair using his fingers. Panay ang paghikab niya. Nagmumukha na tuloy siyang si Thatum. Iyong pilit nilalakihan ang mga mata kahit halos matakpan na ng talukap ang kaniyang mga mata. I knew he was tired. Hindi ko lang talaga mapigilang tawagin siya tuwing natataranta ako.

"Davil."

"Hmm?"

"Bakit na-revise ang handbook?"

Natigilan siya sa tanong ko.

"Who told you about it?"

"Basta. Bakit na-revise? At kailan na-revise?"

"Why are you asking?"

Inirapan ko siya nang mapansing wala siyang planong sagutin ako. He just chuckled and tucked my unruly hair.

"Magpagaling ka muna bago ka bumalik sa pagiging detective."

I eyed him hopefully.

"Will you answer my question kapag magaling na ako?"

He pursed his lips.

"It depends in the question."

Bumagsak ang balikat ko.

"If you really love me as what you told me, you should be honest to me. No man who love his woman will keep secrets. It's a form of cheating." I reasoned out using my most pained voice.

I looked at him seriously. Bumuntong hininga siya bago nag-iwas ng tingin. Mariin akong napapikit. This was the reason why Eron somehow convinced me to believe in what he said.

Bahagya ko siyang itinulak palayo bago ako nag-iwas ng tingin. Honestly, I didn't need the title. I didn't need to be called a Queen. All I ever wanted was his honesty. Iyon lang, sasaya na ako. Pero bakit parang hirap na hirap silang ibigay sa akin ito? Kahit si Lush at si Rhea na halatang may alam ay pilit itong itinatago sa akin. Ano ba ang mawawala sa kanila kapag sinabi nila ang totoo?

"We... we might lose you."

Doon ko lang napagtantong naisatinig ko ang huli kong tanong. I stared at him with disbelief.

"What?"

Pinasadahan niya ng daliri ang kaniyang buhok. He sighed again and he really looks frustrated.

"Brat, please..." he begged.

"Please what?"

"Stop asking," hirap na hirap niyang sagot. Sinabunutan nito ang kaniyang buhok bago mabilis na tumayo at umalis sa aking tabi. Lumapit siya sa nakabukas na bintana at doon pumwesto.

Nanginginig ang aking mga labi nang mag-iwas ulit ako ng tingin. Nanggigilid na rin ang aking mga luha sa sobrang sama ng loob.

"If that's what you want, fine! But don't you dare kill Eron." I sternly said while trying so hard to suppress my tears. I glanced at him. He remained standing in front of the window. "Because he's the only one I have who has the guts to tell me the truth."

Hindi siya lumingon sa akin. Pero kitang-kita ko ang mabilis na pagtaas baba ng kaniyang mga balikat.

I sighed in defeat. Dahan-dahan akong humiga ulit. My shoulder ached, my head ached, but it was nothing compared to the ache my heart harbored right now.

"You don't love me." Then my tears started to fall. "You just want to use me for whatever plans you have."

Ilang saglit pa ay naramdaman kong nakatayo na siya sa aking gilid. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang pinapakiramdaman ang bawat pagtulo ng aking mga luha.

He gently wiped my tears. I felt his deep breathing in my face.

"I love you..."

Umiling ako. I heard the sincerity but I was now full of doubt.

"You should replace the verb. It should be I use you, not I love you." I sobbed.

"I love you..."

Umiling lang ulit ako at hindi na nagsalita.

"I love you so much that I'll accept your wrath, brat. You can hate me for hiding the truth but never doubt my love. Because if I didn't love you, I will not go to this extent of hiding the truth. If protecting you is a form of cheating, then, I'm a cheater."

He kissed my forehead and I cried even more.

***

KING OF TORMENTS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon