CHAPTER 66

3K 71 7
                                        

This week became too complicated for me. Ang matagal ng itinatagong sikreto ni Kuya Lush ay nabunyag sa gabing iyon. I was expecting for the worst scenario, and now I could clearly saw it right in front of my eyes.

"You can't keep her with you," the hostility in Davil's voice made me stiffen. Nakaupo siya sa aming harapan ni Kuya Lush. Nasa tabi naman niya si Dale na tahimik lang na nagmamasid.

Pagkatapos nang nangyari sa gabing iyon ay hindi na naging normal ang pananatili ko sa dorm ni Kuya Lush. Hindi ako ginulo ng Upper Hierarchy sa mga nakaraang araw at hinayaan nilang maka-recover muna si Kuya, pero kahit wala ang kanilang presensya ay hindi noon mawawala ang kaba at takot ko. Now that Davil and Dale were here, I knew things would change.

"Then let her leave this school. Tatanggapin ko kahit ano'ng parusa maialis lang ang kapatid ko dito," mahinahong sagot ni Kuya.

Nagsalubong ang tingin namin ni Davil. His face remained impassive. I gulped and looked at Dale. Nakatingin din siya sa akin. He was looking at me curiously. His forehead creased slightly as if he was analyzing and contemplating something from me. He looked amuse and... fascinated? Nang magtagpo ang aming tingin ay binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti.

Agad akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ang pang-iinit ng pisngi ko. Saglit pang nahagip ng paningin ko ang matalim na tingin ni Davil sa akin. And I didn't understand why he needed to give me a glare.

Hindi na naging mahirap sa akin ang tukuyin kung sino ba si Dale at Davil. Sa paraan pa lang ng pagkilos nila at pananalita ay may malaking kaibahan. Davil was intimidating, passive in expression and had this certain aura that made me uncomfortable. Si Dale naman ay madalas na tahimik ngunit magaan ang loob ko sa kaniya. They both have the same face but Dale's features was softer and friendly compared to Davil. Dale had a light and warm aura that could make me in ease while Davil emitted dark aura that I couldn't stand.

"She can't leave this university either," Davil sternly answered.

Nagkatinginan kami ni Kuya Lush. I could clearly see the exhaustion and fear in his visage.

"B-bakit?" I finally got the courage to ask. Dumapo ulit ang tingin ko kay Davil. My eyes widened a bit when I saw him staring at me intently.

"Because you know something that others don't," Dale added. "No one knows about my existence in this university, Sapphire, aside from the Upper Hierarchy and now, you and your brother." He heaved a sigh.

Doon ko lang tuluyang naintindihan kung bakit hatinggabi na silang pumunta sa dorm namin ni Kuya. Hindi rin sabay na dumating ang dalawa na tila ba naniniguradong walang makakakita sa kanilang magkasama. They were still wearing identical clothes, and if only I didn't know the truth I might think that there was mirror between them. Kaya rin siguro noong tinanong ko kay Kuya kung may kilala ba siyang 'Dale' ay sinabi niyang wala. Ang hindi ko lang maintindihan sa sitwasyon, bakit kailangan nilang itago ang katauhan ni Dale?

KING OF TORMENTS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon