Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive kahit wala na akong ginawa kun'di umiyak at magmukmok. Parang kulang pa ang lahat ng mga luha ko para mailabas lahat ng sakit at pagsisisi.
Unti-unti akong pinapatay ng konsensya ko dahil sa pagkamatay ni Dale. Ni hindi ko magawang lumabas kahit hinayaan na ako ni Kuya. Hindi ko kayang makitang wala ng buhay si Dale dahil sa aking pagtataksil. It felt like I was the one who killed him.
Araw-araw akong dinadalaw ni Davil pero hindi ko siya kinakausap. Tuwing nakikita ko kasi siya ay mas lalong lumilinaw sa aking isipan ang huling imahe ni Dale nang nabubuhay pa ito. Dale was looking at us that time as if we were the most terrible and selfish people he had ever known.
"Brat..." nandito na naman siya.
My face was almost void with emotion. Naging manhid na ang katawan ko dahil sa pagod sa pag-iyak. Bahagya ko siyang nilingon.
Ang dami niyang mga pasa sa mukha pati na rin sa kaniyang mga braso. Ano'ng nangyari sa kaniya?
Hindi ko magawang ibukas ang aking bibig para magsalita. I was too exhausted that talking seemed a burden already.
"Stop blaming yourself, brat. It's my fault, not yours," pagsusumamo niya sa akin.
Kuya Lush already told me the same thing, but no matter how they tried to convince me that I was not liable for Dale's death, my conscience was screaming straight to my heart. No amount of sugar-coating would make me feel better because I knew if it was not me... Dale would still be alive. If only I was strong enough not to succumb to Davil's seduction, Dale wouldn't not end his life.
"If I didn't tell him to follow me that night, he won't die. It's entirely my fault."
Mabilis na lumandas ang mga luha sa aking pisngi dahil sa kaniyang sinabi. Akala ko ubos na, pero kahit namumugto at pagod na ang aking mga mata ay nagagawa pa rin nitong lumuha.
"You... you p-planned i-it?"
He sighed in defeat. Bakas ang labis na pagod at pangamba sa kaniyang mukha. Dahan-dahan siyang tumango. Mabilis na akong tumalikod sa kaniya bago pa ako makapagbigay ng mga salitang makakasakit sa kaniya.
He automatically hugged me from the back. Bumaon ang kaniyang mukha sa aking leeg at katulad ko'y lumuluha rin sa pagsisisi.
"I-iniwan niya na ako, brat. Please, don't leave me, too."
Hindi ko alam, Davil. Sa sobrang gulo na ng isipan ko ay hindi na ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko na alam kung saan ka ilulugar sa buhay ko ng hindi ako pinapatay ng mga ala-alang nagawa natin.
Tanging pag-iyak lamang ang naging tugon ko sa kanyang pagmamakaawa.
***
"Sappy, magbihis ka na. Kailangan na nating umalis," natatarantang utos ni Kuya Lush.
"Ha?" Walang gana akong nag-angat ng tingin.
Hindi ko maintindihan kung bakit narataranta si Kuya. Pawis na pawis na rin siya at may mga pasa siya sa kaniyang mukha. Bigla akong kinabahan.
"Kailangan na nating umalis sa Chaos—"
"B-bakit? Sabi mo hindi tayo makakalabas dito hangga't hindi ka pa nakaka-graduate?" naguguluhan kong tanong.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Misteri / ThrillerWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)