CHAPTER 23

4.1K 128 12
                                        

I did not know how long I stayed idling inside my room. Nakaupo lamang ako sa malambot na kama habang naglalakbay na naman ang aking isipan. I have lots of things inside my mind but one thought prevailed among those.

Napahawak ako sa aking labi. Bakit sa tuwing galit siya, ikaw ang pinagdidiskitahan? Nanghihina kong naibaba ang aking kamay. I bit my lips and sighed after.

That devil! After kissing me without permission, he stood and left me there! Ang kapal ng mukha!

Ilang minuto kong pinakalma ang aking sarili bago nagdesisyong mag-ayos na. Pagkatapos akong iwanan ni Davil ay wala na akong inaksayang oras at umalis na doon. Hindi ko alam na sa loob pala ako ng tinatawag nilang King's Edifice dinala. Ilang ulit tuloy akong napamura dahil muntikan na akong maligaw habang papalabas.

I looked at myself through the mirror. I heaved a sigh, and smirked after.

"You can mess with my mind, Davil, but never in my heart."

***

I was comfortable sitting inside the cafeteria while reading the lessons. Akala ko may pasok ngayon pero nang makarating ako sa classroom ay walang estudyante. Ang naabutan ko doon ay mga taga-linis. There were stains of blood everywhere, used knives and even dead bodies. Kaya nga minabuti kong dito tumambay dahil nasusuka ako sa amoy at kalat sa labas. Maliban pa d'on ay marami ng mga tao partikular na sa quadrangle. Doon kasi inilalagay ang mga bangkay upang kumpirmahin kung sino ang mga ito.

Wala na sa war mood ang Chaos University matapos biglaang sumuko ang Genesis. Bagama't ikinatuwa ito ng karamihan ay mas marami ang tila nagulat sa kanilang desisyon. Hanggang ngayon palaisipan pa rin ito sa mga estudyante at maging sa akin. Naalala ko pa kung gaano kagigil ang kanilang miyembro nang maghamon sa Alpha Fortress. I knew that frat wouldn't bow down so I was presuming something was going on why they suddenly surrendered. Naparusahan na rin sila pero hindi ko inalam kung sa paanong paraan.

Pinasadahan ko ng tingin ang loob. Masyadong tahimik. Halos lahat ay mugto ang mga mata. May iilan pang tulala at nanatiling nakatingin sa kawalan. I shook my head and resumed reading.

Nasa kalagitnaan na ako nang pagbabasa sa isang lesson nang umalingawngaw ang hinihintay ng lahat.

Sandaling namayani ang nakakabinging katahimikan sa buong Chaos University habang isa-isang binu-broadcast via audio ang listahan ng mga nasawi sa frat war. Ilang saglit pa ay sinabayan na ito ng mga iyakan sa paligid at mga galit na sigaw. Nagkakagulo na sa loob lalona't pumasok ang limang mga Delinquents. Pa-chill lang sila at sumisipol pa habang ang ibang Superior ay naghihisterikal na sa sobrang galit. May mga batuhan ng nangyari at magilan-ngilang suntukan na nahinto naman nang pumasok si Vain sa cafeteria.

Bigla akong nanlamig sa pangalang sunod kong narinig.

"Honey Monteciara. From Labyrinth, Diplomat."

Matagal rumehistro sa akin ang pangalang nabanggit. Natulala ako at nabitiwan ko ang hawak kong aklat. My lips parted in disbelief.

Hindi ko alam ang surname ni Honey at maaaring kapangalan niya lamang ang nabanggit pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan at natakot. Sa kaunting panahong nakasama ko siya I'd developed this certain platonic affection. Kaya hindi ko lubos maisip kung ano ang mararamdaman ko oras na nakumpirma ko ang aking hinala.

"This is your King speaking. May their souls rest in peace. Good morning, Chaosers."

Naikuyom ko ang aking kamay. Nanginginig na ako sa galit. Ang kapal ng mukha ni Davil! May their souls rest in peace? Paano niya ito nasasabi na parang wala lamang kahit ang bulok nilang sistema ang dahilan ng maraming kamatayan? I just couldn't believe him! I know I didn't have the rights to act clean and innocent right now because I was a murderer also, but I couldn't make myself calm!

KING OF TORMENTS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon