Sa ikalawang pagkakataon ay kailangan kong pumasok sa main office ng Upper Hierarchy.
My face remained neutral despite the annoying stares that I got from my schoolmates. Nasa 5th floor ang opisina kaya kailangan kong tiisin ang mga titig nila sa akin.
Simula kahapon ay napapansin ko na ang mga makahulugan nilang tingin sa akin. Not that I'm bothered or even intimidated with it, I just hate how some students pampered me now with their sugar coated praises, when in fact, they're also one of those who almost curse my name yesterday because I disrespect their king. See? May mga taong walang paninindigan. Kung gaano ka nila kadaling laitin at husgahan ay gano'n rin kadali para sa kanila na purihin ka kapag nasa maganda ka nang sitwasyon.
I hated those people. I didn't need their plasticity.
Hindi na ako nag-abalang kumatok pagkarating ko sa tapat ng pinto. Diretso akong pumasok. Kahit may kaniya-kaniyang Edifice ang mga miyembro ay kadalasang dito pa rin daw sila tumatambay.
Naabutan kong nakasalampak sa couch si Thatum at tulog na tulog. His position is quite awkward. Lupaypay ang kaniyang ulo at halos mahulog na. Hindi ko alam kung paano niya natatagalan ang ganiyang ayos. Mula sa isa pang pinto ay lumabas si Vain. May bitbit itong walis, dust pan at maliit na trash can. Nakasimangot ito ngunit mabilis ring ngumiti nang makita ako.
"Hi, Sappy!"
Tinaasan ko lang ito ng kilay. Kahit aircon ang loob ay walang suot na pang-itaas si Vain. Magulo rin ang buhok nito. Ngumisi ito nang hindi ako sumagot. Binitiwan niya ang kaniyang mga hawak at bigla na lang nag-pose sa harapan ko.
"Ano'ng ginagawa mo?"
Slow motion niyang ginulo ang kaniyang buhok. Then, he dramatically and exaggeratedly held his abdomen. May papikit-pikit pa itong nalalaman at lip bite.
"This is called, sumasakit ang abs pose. Shit, ang gwapo ko."
I rolled my eyes.
"Maganda sa katawan 'yan, Vain. Self-love. Ipagpatuloy mo." I sarcastically said.
Ngumuso ito bago muling dinampot ang walis.
"Naku, Sappy, huwag ka nang mahiya! Atin-atin lang ito. Naiintindihan ko naman kung naaakit ka sa abs ko because I'm so irresistible."
Muntik na akong matawa nang makita ang sunod niyang ginawa. Winalis niya ang mga kinagatang mansanas ni Thatum. Nasa sahig ito at nagkalat.
Tinapik ko ang balikat ni Vain. I looked at him with too much pity. I sighed.
"Iba talaga kapag may pinagdadaanan sa buhay." Umiling pa ako. "Nagkakaroon na ng ilusyon."
"Sappy, pwede mong himasin ang abs ko. Nagdadala ito ng swerte." He chuckled.
"No, thanks. Nasaan si Davil?"
"Bahala ka. Minsan lang ako mag-offer."
Itinuro niya ang pinto kung saan siya galing. Agad na akong naglakad papunta doon kahit panay ang pagmamayabang ni Vain sa kaniyang abs.
Nag-uusap si Saunder at Davil pagkapasok ko na agad din namang natigil nang makita nila ako. Tumikhim si Saunder bago ito nagpaalam kay Davil. Huminto ito sa harapan ko. He glared at me and didn't say anything.
Nang tuluyan na itong nakalabas ay naglakad ako papunta kay Davil. Prenteng nakaupo ito at tamad na tamad na nakatingin sa akin. Umupo ako kung saan nakapwesto kanina si Saunder.
"What are you doing here? Hindi ka pa ba kuntento na magkatabi tayo sa iisang kama at pati ba dito ay kailangan mo pa akong puntahan?"
If there was a common denominator when it comes to the attitude of the Upper Hierarchy, it will be arrogance.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Misterio / SuspensoWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)