Living with the devil was obviously, not easy. I felt like any moment, I might slaughter the King.
Gutom na gutom ako nang magising ako. Hindi ko nga namalayang nakatulog pala ako. Hindi ko tuloy nagawa ang plano kong sakalin si Davil. And speaking of the devil, wala na ito sa aking tabi. Mabuti na lang! Dahil paniguradong iinit lang ang dugo ko kapag siya ang una kong nakita pagkagising.
I looked at the clock and realized it was already three in the afternoon. Bumangon na ako at lumabas sa kaniyang kwarto. Nabitin ang tangka kong paghikab nand dumapo ang aking tingin sa aking mga damit na nagkalat sa sahig. Para itong sinadyang ikalat!
Iniwan ko lang ang mga gamit ko sa labas ng kaniyang kwarto dahil parte iyon ng pang-aasar ko sa kaniya. The heck! Pero ano ito?
Halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan nang makitang pati ang mga underwear ko ay nagkalat rin. Mayroon pa ngang nakasabit sa isang paiting. Fuck!
I was too hungry and angry at this moment. Literal na nandidilim ang aking paningin. Padabog kong inayos ang aking mga damit na nagkalat at muli itong ipinasok sa aking maleta. Wala na akong inaksayang oras at ipinasok ko na ito sa loob ng kwarto ni Davil. Gusto ko pa sanang libutin ang kaniyang tinitirhan pero nagrerebelde na ang aking tiyan.
Hindi pa ako nakakain ng tanghalian. Halos liparin ko na ang daan makalabas lang sa King's Edifice.
"Puta!"
Papasok na ako sa cafeteria nang bigla akong hinarang ni Saunder. Tinaasan ko lang ito ng kilay. As usual, suplado pa rin ito at wala man lang kangiti-ngiti.
"I already told you to report in the Bishop's Edifice. Hindi pa kumpleto ang mga sinalihan mo. Huwag mong ubusin ang pasensya ko, Sinclaire."
Dahil gutom ako at wala sa mood ay tinanguan ko lang ito. Nakaisang hakbang pa lang ako nang muli itong nagsalita.
"And another thing, Sinclaire."
"Ano?"
"Huwag mo nang ituloy ang binabalak mo. Your curiosity will kill you."
Tumalikod na ito pagkatapos magsalita. I rolled my eyes and raised my middle finger as if mocking him. Bigla itong lumingon sa akin habang ang kamay ko ay nasa ere pa. I akwardly laughed and pretended that I was just waving. Waving, my ass!
Bahagyang nagkasalubong ang kaniyang mga kilay at muling naglakad pabalik sa akin.
"Ngayon ka na pumunta sa Bishop's Edifice."
"Kakain muna ako!"
"You'll starve or you'll die. Choose."
Namilog ang aking mga mata.
"Gutom na nga ako! Pupunta ako do'n pagkatapos kong kumain!"
"No, I want you to report in the Bishop's Edifice right now."
"Puta! Gutom pa nga ako, e!"
He pursed his lips.
"I don't care. Follow what I said."
I took a deep breath.
"Fine!"
Nagdadabog akong naglakad papunta sa Bishop's Edifice. Tangina! Nandidilim na talaga ang paningin ko sa sobrang gutom. Walanghiyang Saunder! Kung makautos!
Nilapitan ko agad ang babaeng nasa front desk pagkapasok ko a Bishop's Edifice.
"Pwede ko bang makausap si Thatum?"
Mukhang hindi ako nito napansin dahil mayroon akong kasabay na nagtanong rin sa kaniya. Mas inuna niya ito at dahil sobra na akong frustrated sa sitwasyon kaya tuluyan na akong nag-alburoto sa galit.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Mystery / ThrillerWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)