CHAPTER 56

3.4K 91 12
                                        

I sighed for the nth time. Nagtangka akong tumayo ngunit mabilis niyang nahawakan ang braso ko.

"Eat first. We'll meet that gay Rocker after," he commanded sternly.

"Kanina pa ako kumakain. Busog na ako." Itinulak ko ang kamay niyang may hawak na kutsara. Agad akong napairap nang nagmatigas siya. Pilit niya akong sinusubuan pero iniiwas ko na ang bibig ko. "Stop it! I'm not a fucking pig!"

"Then, I will make you one."

"What the hell? Why will you do that?!"

Naiinis niyang ibinagsak ang kutsara sa plato. Magkatabi kaming naupo sa dining table. Kanina pa 'to siya ganito. Kung umasta akala mo siya ang nanay ko na obligasyon akong pakainin. It was actually awkward! Pati ba naman pagsubo ko siya ang gumagawa! I was not a disable nor a kid that needed to be feed. I kept on complaining but this bossy king only gave me a glare!

"So that I can call you babe?" he asked, faking his innocence. He looked neutral but I could still see the ghost of smile in his face.

Hindi ko alam kung matatawa ako o kikilabutan. Kailan pa natuto ng mga ganito si Davil? Tuluyan na ba siyang nahawa sa kabaliwan ni Vain? Iba pa naman ang kamandag ng kagaguhan no'n.

"Funny." I sneered.

"Don't give me that look. Ubusin mo 'yan o hindi mo makakausap ang baklang 'yon."

"He's not a gay!" I defended Ryker.

He rolled his eyes arrogantly but didn't say anything. Pagkatapos kong kumain ay mabilis akong nag-ayos sa aking sarili. Tinupad naman ni Davil ang pangako niya sa akin. Iyon nga lang, nakaakbay siya sa akin na para bang tatakbuhan ko anumang oras.

Habang naglalakad kami ay panay ang panlalait niya kay Ryker. Mas gwapo pa daw si Vain kaysa kay Rocker (his term not mine) pero kung umasta daw ito ay akala mo magkalevel sila ng kagwapuhan. See? Nahawa na siya sa ugali ni Vain. Kung narinig lang siguro ni Vain ang mga sinasabi ni Davil ay mas lalaki ang ulo no'n. Ini-imagine ko pa lang ang ngisi ni Vain, kinikilabutan na ako.

"Nasaan ba si Ryker?"

"In his dorm," tipid niyang sagot at nagsimula na namang manlait. May kung ano-ano pa siyang ibinubulong sa kaniyang sarili.

"Ano'ng hierarchy niya?"

Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko.

"He's an Inferior."

"What? Seriously?"

"I read his profile and he's a bit peculiar in a foolish manner. According to the report, Rocker went to the police station insisting he killed someone. Contrary to his serious claim, the result of the initial investigation didn't prove him guilty. Pero pinipilit niyang akuin ang krimeng hindi siya ang nakikitang salarin. So I'm really bothered about his motive. Is he really in love with you to the point he'll risk his police record just to be with you? Fuck. I want to strangle that gay."

Napaiwas ang mga lalaking nakakasalubong namin. Nasa dormitory na kami ng mga lalaking Inferior. Halata ang gulat nila nang makita si Davil. Idagdag pa na tila handang maghamon ng away ang ayos nito.

Their dorm was not the same with the Superior. Hindi nagkakalayo ang agwat ng mga pinto sa pasilyo, indikasyong hindi ganoon kalaki ang bawat kwarto. Presentable naman itong tingnan at malinis.

My forehead creased while analyzing the situation. Naguguluhan ako kung ano ba ang motibo ni Ryker. Bakit bigla itong sumulpot dito?

"The police can jail him instead, right? Bakit kailangan pa siyang dalhin dito sa Chaos University?"

KING OF TORMENTS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon