Akala ko nagbibiro lang si Davil nang sabihin niyang ako ang magpapatulog sa kaniya. But I was wrong. Nakasimangot ako sa loob ng sasakyan. Basta na lang niya akong kinaladkad papasok rito. Nagulat nga ang ibang miyembro ng Upper Hierarchy nang makita ako.
"Uy, Sappy, bakit ka nandito?" Usisa ni Vain.
I didn't response. Nararamdaman ko pa rin ang aftershock ng kalandian ng hari nila. Thatum stared at me. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Saunder just rolled his eyes and resumed reading. Si Vain ay sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.
"Alis!"
Pumasok si Davil at itinulak palayo si Vain. Magkasabay na napa-ubo si Thatum at Vain nang tumabi siya sa akin. Davil yawned lazily before he rested his head on my shoulder. I stiffened. I was on the verge of pushing him away when I noticed his eyes were slowly closing. The devil was indeed sleepy.
"Sappy, ano 'yan?" Vain's eyes were full of malice and accusation. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa nakapikit na si Davil. He wiggled his eyebrow meaningfully.
"Huwag mo siyang kausapin." Davil whispered. Bahagyang siyang dumilat. Ang mapupungay niyang mga mata ay nakatingin sa akin. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. He gave me a warning glare before closing his eyes again.
Vain exaggeratedly cleared his throat. "Thatum, pahinging tissue." Suminghot-singhot pa si Vain at kunwaring pinapahiran ang imaginary tears niya. Tiningan niya ako na para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa. "Ang sakit! Dalaga na ang kapatid namin ni Lush. Ang bilis ng panahon."
I only raised my middle finger in his direction. Naiirita siyang nilingon ni Saunder bago niya ibinato kay Vain ang hawak niyang aklat.
"Silence please." Inayos niya ang kaniyang eyeglass. Napahilot sa kaniyang sentido si Saunder na tila ba sobra ng nakukunsimisyon sa mga pinaggagawa ni Vain.
Kahit dito ay sobra pa ring awkward.
Sa totoo lang natatakot na ako sa mga ikinikilos ni Davil. Para siyang may sapi. Biglang nagiging clingy. Since when did he start caring for me? For the record, he was my tormentor here in Chaos. Bakit biglang nagkaroon ng conversion of heart? Nakakapagtaka.
Nagsimula nang umandar ang Limo. Nanatili lamang akong nakapikit hanggang sa maramdaman kong ipinagsiklop ni Davil ang aming mga kamay. Nanlaki ang mga mata ko at agad napalingon sa kaniya. Nakapikit pa rin siya pero hindi na salubong ang kaniyang mga kilay. May maliit ng ngiti na nakaguhit sa labi nito.
"Teka—"
"Stop arguing, this is part of your punishment."
Sumipol si Vain.
"Para-paraan..." He spoke as if he was singing. When Saunder glared at him, Vain cleared his throat. "Shit, ang ganda talaga ng boses ko. Oh, anong tinitingin-tingin mo diyan, Saunder? Masama bang kumanta?"
"Ingay mo!" Reklamo ni Thatum. Kung may hawak lang siyang mansanas baka naibato na niya ito kay Vain.
"Mga haters!"
Hindi ko na pinansin ang tatlo. I bit my lips and looked at Davil. Mukhang tulog na siya. Pero nang tinangka kong hilahin ang kamay ko ay bahagya siyang gumalaw at may kung ano-anong ibinulong. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak.
Halos limang minuto ko ring tiniis ang posisyon namin at ang mga pang-aasar ni Vain.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng King's Edifice. Naunang bumaba ang tatlo samantalang ginigising ko pa si Davil.
"Hoy... gising, bababa na tayo."
Bahagya kong tinapik ang braso niya. Hindi siya nagmulat ng mga mata pero mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa aking kamay.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Misteri / ThrillerWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)