That moment, when things didn't go the way you planned it, and you were stuck with the most unexpected scenario you had never imagine, maybe, just maybe, your irrational reflex would be as worst as mine. Ang buong akala ko ay mananatiling tahimik ang araw ko habang dala-dala pa rin ang guilt. I could completely visualize myself sulking in the corner, holding book and acting like a mighty and badass nerd.
But fate was a bitch.
When the students standing near me focused their attention to me, my reflex took over.
I ran. I ran because their stares were too intense. I saw the glint of determination from those eyes. Para bang handa silang makipagpatayan makuha lang ako.
While running away from those bunch of creepy students, my guilt was overshadowed by my irritation. Paulit-ulit kong mimumura si Davil sa aking isipan. Lakas mantrip. May pa broadcast-broadcast pa siyang nalalaman. Tangina! Ibang klase gumanti. Inutusan niya pa ang kaniyang mga alagad na hulihin ako. The heck!
The chant of cuss in my head synced with the screams of the students who were chasing me.
My eyes widened. Sa muli kong paglingon sa likuran ay halos pagsakluban ako ng langit at lupa nang makitang mas dumami pa ang mga humahabol sa akin. This scene reminded me about movies with zombie apocalypse. And I was the unfortunate one chased by numerous zombies. Ganiyan kalala ang sitwasyon ko ngayon. Mayroon pang mga humaharang sa daanan ko at halos nagtutulakan na ang iba para lang mahuli ako. Lintek! Ano ako? Manok?
Nakagat ko ang labi ko. Pati sina Rhea at Ivan ay nakikihabol. Para ring handang makipagpatayan ang dalawa mahuli lang ako. Mga taksil!
"Hoy, Sapphire huwag mo kaming takbuhan! Leche! Kailangan natin ng puntos! Utang na loob!" Sigaw ni Rhea habang hila-hila si Ivan.
Muntikan na akong madapa sa kakalingon kaya ilang dosenang mura na naman ang pinakawalan ng aking bibig. Itinuon ko ang aking tingin sa daan pero pinapanatili ko pa ring matalas ang aking pandinig.
"Sapphire, have mercy on me! Ang beauty ko ay hindi pang-marathon." Tumili si Ivan. "Anak ng imaginary dede ni Rhea—leche ka, Rhea! Dahan-dahan lang! Ang ovary ko naaalog!"
The last thing I wanted to happen right now was to be caught by anyone. Determinado akong makausap si Davil kanina pero dahil sa kaniyang ginawa ngayon baka pagmumurahin ko lang siya! Tangina niya to the moon and back!
Nagmamadali kong tinakbo ang daan papunta sa dorm. Iyon na lang ang safe haven ko ngayon.
Tagaktak ang pawis ko at hinahabol ko na ang aking hininga. Ginagamit kong pamaypay ang envelope na hawak ko.
Ilang pagmumura ang nasambit ko nang makitang ang raming nag-aabang sa entrance pa lang ng dorm. Napaliko tuloy ako ng mabilisan dahil nadagdagan na naman ang humahabol sa akin.
Hindi ko na alam kung saan na ako papunta. Sa kakatakbo ko nakarating ako sa parte ng Chaos na walang nagtatangkang lumapit. Ang naaalala ko, dito ang dinaanan namin ni Davil matapos akong dalhin nina Amber noon sa isang abandonadong building, noong gabi ng initiation.
May nakita akong CR. Para itong abandonado na dahil mukhang hindi na ginagamit.
Napalingon ulit ako sa likuran. Wala pang nakakahabol sa akin at mukhang nailigaw ko na 'yong iba.
Agad akong pumasok sa CR. Medyo creepy pa sa loob dahil maalikabok at madilim. Agad akong pumasok sa isang cubicle. I locked it.
Hingal na hingal ako. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang pagod. Pinakiramdaman ko ang paligid. Masyadong tahimik. Nakakakilabot.
Ilang minuto akong nanatili sa loob bago ako dahan-dahang lumabas. Naghanap ako ng ibang lugar na matatambayan. Ayoko na sa CR na 'yon, masyadong madilim.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Mistero / ThrillerWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)