Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang tinahak ko ang daan papunta sa Rook's Edifice. The twilight had almost took over, and it worsened the terror and grief that lingered in the air. Ilang oras mula ngayon, dadanak na naman ang dugo sa Central Torments.
Maraming mga estudyante sa labas pa lang ng Rook's Edifice. Kadalasan ay umiiyak at mga balisa.
"Fuck!" Napamura ako nang may bigla na lang bumangga sa akin. "Tumingin ka nga—" My complain halted when I noticed the boy. Tulalang nakatingin sa akin, kumukurap ang mga mata pero parang hindi ako nakikita. Para siyang wala sa kaniyang sarili.
I snapped my finger but he remained on his spot, almost motionless. Napabuntong hininga ako. I bit my lips to stop whatever mean comments my mouth would utter, and decided to leave the crazy guy.
"Help... help me... please." Napalingon akong muli nang hinawakan niya ang braso ko. I stared at him with confusion. Mula sa walang emosyong mukha ay dahan-dahan itong napalitan ng takot, hanggang sa tumulo na ang kaniyang mga luha. He was shaking, almost hyperventilating.
"What do you mean?"
He shook his head and sob.
"Ayaw ko... ayaw kong mamatay." Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Napasigaw ako sa sakit at tinulak siya palayo. Hindi siya natinag, sa halip ay mas lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso.
"Ano ba—"
"A-ayaw kong m-mamatay." Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kaniyang mga kamay. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
I couldn't explain but looking at this guy, I felt pang of emotions, ranging from pity and the rest were still vague.
"Ano'ng nangyayari dito?"
The guys continued to beg. He held my shoulder as if I was his only salvation.
"Sapphire..."
Nilingon ko ang biglang nagsalita. Naningkit ang aking mga mata nang mamukhaan ito.
"Cray."
Nahihiya siyang ngumiti sa akin bago binalingan ng tingin ang lalaking umiiyak pa rin.
"Hey, dude, you okay?" Hinila niya palayo ang lalaki sa akin. Hindi ito sumagot. He looked at Cray and held his arm, just like what he did to me. Nawala sa akin ang kaniyang atensyon at kay Cray na ito nanghihingi ng tulong. Ilang segundo ko silang tiningnan bago ako tumikhim.
"Una na ako. Pasensya na kung ikaw na ang inabala niya. I don't know what's wrong with this guy."
"Tonight will be the Execution, Sapphire. Tonight, no one can escape the Wrath of the Rook. That explained the weird behavior of some students." Bakas ang takot at lungkot sa kaniyang boses. Dahil rin sa kaniyang sinabi ay biglang sumigaw ang lalaki. Tumakbo ito palayo, takot na takot habang patuloy na umiiyak. Nagkatinginan kami ni Cray bago ako tumalikod.
"Sapphire..."
"What?" Nilingon ko ito.
Napakamot siya sa kaniyang ulo. I looked at him with amusement when his face turned red. Tinakpan niya ang kaniyang mukha at mabilis na tumalikod.
"W-wala!" He stuttered. Katulad ng lalaki ay mabilis itong umalis.
Okay, what was that?
Kakapasok ko pa lang sa Rook's Edifice ay sinalabong na ako ng maraming kumpulan ng mga estudyante. Nakatingin sila sa isang malaking screen at marami na ang mga umiiyak. Habang papalapit ako ay doon ko lang napagtanto ang rason ng komosyon. The huge screen was displaying the names of the students who failed the Intellectual Assessment. The same students who would face the Wrath of the Rook tonight. They were the subjects of the execution.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Mystery / ThrillerWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)