Hindi ko na mabilang kung ilang ulit akong napairap habang naglalakad papunta sa classroom. Sa second floor pa lang ay muntikan na akong makahanap ng away dahil sa mga lecheng Delinquents. I hated their auras! I hated their attitudes! I freakin' hate their faces!
"Uy si Sinclaire, oh!"
And for the nth time, another jerk wanted to ruin my day. Paakyat na sana ako sa third floor nang mahigip ng paningin ko ang grupo ng mga estudyanteng nakatambay malapit sa may hagdan. Napunta ang atensyon nila sa akin lalona't itinuro pa ako ng isa sa kanila.
Gusto ko man silang iwasan para hindi masira ang araw ko, pero kailangan kong dumaan sa banda nila para makapunta sa third floor. May elevator naman sana pero ayokong makipagsiksikan sa ibang naghihintay.
Tinaasan ko ng kilay ang isa sa kanila na humarang sa akin. May itsura naman siya pero hindi ko gusto ang aura niya. Para siyang gangster na wala ng ibang magawa sa buhay kun'di makipagbasag-ulo.
"Hi, Sinclaire. Pwedeng pa-kiss?"
Nagtawanan pa ang kaniyang mga kasamahan sa kaniyang naging tanong.
Ngumisi ako kahit gusto ko na siyang irapan. Tiningnan ko ang mga kasamahan niya. Iyong iba bigla na lang nanghihila ng mga babaeng napadaan at basta-basta na lang hahalikan. I felt pity for those girls who couldn't even complain. Ikaw ba naman basta-basta na lang hihilain at isasandal sa pader, tapos hahalikan na parang wala lang? I bet those girls who didn't have the guts to punch these manwhores were Inferiors.
"Pwede naman..."
Nanlaki ang mga mata niya. He even bit his lips and looked at me with malice. Naghiyawan ang kaniyang mga kasamahan.
"Talaga?"
"Yeah, if you're suicidal, then go. You can kiss me."
Hindi ko alam kung nakakatakot ba ang mukha ko dahil bahagya siyang napaatras at namutla. Kinindatan ko pa ito at bahagyang binangga ang kaniyang balikat. Narinig ko ang pagtawag sa akin ng ibang mga lalaki habang umaakyat ako sa hagdan.
"I'm ready to die for you!"
Napamura ako sa sigaw ng isa sa mga lalaki. Sinundan ito ng malulutong na tawanan. Naikuyom ko ang aking mga kamay bago sila muling nilingon. I faked a sweet smile before raising my middle finger.
"Fuck you, assholes!"
"I love you, too!"
The heck!
I was gritting my teeth in irritation until I reached the third floor. Sa lahat ng ayoko sa mga lalaki ay iyong hindi marunong gumalang sa babae. If I would be part of the legislative branch, I would surely make a law that would bring karma to them; like cutting their dicks or frying their balls.
Katulad ng una akong pumasok sa klase ay gano'n pa rin ang naabutan ko pagkapasok ko sa classroom.
Tahimik. Lahat ay seryoso sa pag-aaral. May iilang nag-uusap pero halos mahinang bulungan lamang ito. Dumiretso ako sa pwesto ko at nagsimula na ring magbasa sa mga subjects na dapat kong pag-aralan.
Nawala ako sa focus nang mapansing panay ang tingin sa akin ng katabi ko sa upuan. A girl with a long and straight black hair. Hindi ko matukoy pero sigurado akong may kamukha siya. Nang mapansin niyang nakatingin na rin ako sa kaniya ay bigla siyang namula at napayuko sa hiya.
"Need anything?" seryoso kong tanong nang mapansing mas lalo siyang nailang.
Nanlaki ang kaniyang mga mata. Tila gulat na gulat sa pagpansin ko sa kaniya.
Napakunot ang noo ko habang hinihintay ang kaniyang sagot.
"W-wala. You just reminded me of someone," her voice stuttered. She couldn't even look at me directly.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Mistério / SuspenseWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)