I rolled my eyes while looking at my own reflection on the mirror. Nakangisi naman si Rhea na kasalukuyang nakatayo sa likuran ko.
"Ganda," she commented. Tinapik niya ang balikat ko bago ako sininyasang maupo ulit. I turned my back and sat beside Ivan. Agad kong napansin ang mga kakaiba nilang titig sa akin. I ignored their teasing stares. Simula kahapon ganito na tumitig ang halos lahat ng mga estudyante sa akin, kung hindi nang-aakusa ay tila nanunukso.
"Huwag ka masyadong lalapit kay Rhea. Inggit 'yan sa ating may natural na kagandahan. Dito ka tumabi sa akin kasi tayo ang magka-level," bulong ni Ivan sa akin bago patiling tumawa.
So far, sa mga kaibigan ni Honey, si Ivan lang ang hindi nagbago ang trato sa akin. Wala pa ring nagbabago. Ipinagpipilitan niya pa ring magka-level kami ng kagandahan.
Nandito ako ngayon sa headquarter ng Masqueraders at katatapos lang maayusan. Ngayon ang unang araw ng Clash of the Clubs at mamaya ang opening sa stadium. The muse was required to dress formally. Natawa nga ako, bakit pa kailangang magpaganda kung papatayin lang naman? It didn't make sense. Nakipagtalo pa ako kay Rhea kanina dahil sa gusto niyang ipasuot sa akin. Off shoulder kasi at hanggang kalahati ng hita ang slit. Idagdag pa na hindi ko gustong lagyan ng kung anumang kolorete ang mukha ko.
"Hoy, Ivansot! Narinig kita! Huwag kang magmaganda dahil wala kang ovary!" sigaw ni Rhea na nakaupo sa katapat na sofa.
"Don't talk to me, you chopping board! May ovary ka nga pero wala kang hinaharap, kapatagan lang! Mas maumbok pa ang tuhod ko!"
Nagkatinginan kami ng iilang mga Masquerader nang nagsimulang magbangayan ang dalawa. Oh, here we go again.
"Ano'ng kapatagan? Isampal ko kaya sa pagmumukha mo ang boobs ko—"
"Impakta! Saan banda ang boobs mo? Ano 'yan, microorganism? Kailangan pa ng microscope para makita? Ilusyunada!"
"Baklang pangit!"
"Walking wall!"
"Lamang lupa!"
"Walang hinaharap!"
"Bwesit ka! Mukhang sex organ!"
"Pinagnanasaan mo lang ako!"
And their rants continued. Tumayo ako at naglakad papunta sa interrogation room nang magsimulang magbatuhan si Rhea at Ivan. Todo cheer naman ang ilang mga kasamahan namin at nagpupustahan na kung sino ang mananalo. Hindi ko mapigilang matawa nang makita ang sunod na ginawa ni Rhea. She unclasped her bra and threw it to Ivan's face. Sumabit ito sa ulo ni Ivan at mabilis siyang tumili na tila ba takot na takot.
"Tingnan mo ang bra ko! Kapatagan, ha?"
"Yuck! Gross! Impakta ka! Ilayo ang makasalanang bagay na 'yan! Nakakasira ng ganda at dangal!"
Tumatawa akong pumasok sa interrogation room. May dalawang oras pa bago magsimula ang opening program. Naghanap ako ng komportableng mauupuan bago napabuntong hininga.
Ngayong ako lang ang mag-isa rito at sobrang tahimik, unti-unting bumalik sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. As the scene played in my mind again, the erratic beating of my heart started.
Pagkatapos ng nangyari kagabi ay agad akong tumakbo papalayo kay Davil. Sa dorm ako nagpalipas ng gabi at hanggang ngayon hindi ko pa rin ulit siya nakikita. Ito ang unang pagkakataon na nawalan ako ng lakas na harapin siya. Puta! He just made a scene and now, I was carrying the consequences! Hindi ko alam kung anong trip ng gagong iyon! Although, part of me was glad because he spared those students, but still! Damn!
***
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala sa loob bago ako tinawag ni Rhea. Nag-retouch muna saglit bago kami lumabas sa interrogation room.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Misteri / ThrillerWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)