CHAPTER 35

3.9K 108 19
                                        

Tahimik akong nakikinig habang nagpapatuloy ang pagpupulong. Kapansin-pansing naging maganda na ang mood ni Rhea dahil nakangiti na ito sa harapan.

"Halos lahat rito ay alam na kung ano ang Clash of the Clubs o ang tinatawag ring Clash of the Hierarchies, pero uulitin ko ulit itong ipaliwanag dahil mayro'ng mga bago sa samahang ito."

Naagaw ng kaniyang sinabi ang buo kong atensyon. Kahit may nabasa na ako sa handbook patungkol dito ay hindi ko pa rin ito lubusang naintindihan.

"Ito ay isang competition na inorganisa ng ating Bishop. Lahat ng mga clubs na under sa hierarchy ang kasali. Baka malito kayo, ha, iba ang mga academic club such as History and English... iba rin ang mga frats. Wala munang sisterhood at brotherhood sa panahong ito dahil kahit mga fratmates mo pwede mong maging kalaban. Itatak niyo sa utak niyo na mga ka-hierarchy niyo ang kasamahan niyo ngayon." Paliwanag niya.

Kaya pala kasamahan ko rito si Crimson. Kung sabagay sa mga frat kasi halo-halo na ang mga miyembro at sa iba't ibang hierarchy nanggaling.

"Maraming competitions sa Clash of the Clubs. Mayroong sports, quiz bee at mayro'n ding pabonggahan ng mga booths. Pero ang pinaka-highlight..." Napako ang tingin sa akin ni Rhea. "Ay ang tinatawag na Bloody Combat."

Bloody Combat?

"Each hierarchy shall choose ten fighters mula sa kanilang grupo. Ang sampung ito ay ang magiging representatives para sa Bloody Combat. Isa itong madugong labanan sa loob ng arena. Matira ang matibay. Maglalaban ang bawat kalahok at allow ang pagpatay. Sa mismong laban ang muse ng bawat hierarchy ang magiging sakripisyo. The first three groups na may pinakamaraming mapatay ang makakasalba sa kanilang muse. The remaining four muse will die in front of the Chaosers."

Mariin akong napapikit. Kaya pala walang nagkukusa. Napabuntong hininga ako at nilingon ang direksiyon ni Resh. Napangisi siya nang magtama ang aming paningin.

Gano'n na ba talaga kalaki ang galit mo sa akin?

May nagtaas ng kamay.

"Bakit kailangang magpatayan?"

Rhea crossed her arms across her chest and sighed.

"Unfortunately, the Upper Hierarchy and the government are so eager to eliminate the Superiors. Katulad ng frat wars, tayong mga Superior ang pinakakawawa. Believe me, when the Bloody Combat starts the other Hierarchy will do anything to kill the Superiors."

Nagpatuloy ang meeting. Marami pa ang pinag-usapan mula sa pagpili ng mga kalahok sa Bloody Combat, sa mga sports at quizes pati na rin kung anong booth ang gagawin.

"To all the participants for the Bloody Combat, I knew this is a cruel request but please, protect the group, kill as much as you can and save our muse. Kahit mas mataas ang hierarchy natin kumpara sa iba ay masakit isiping tayo pa ang naaapi. They gave us now the chance to fight so might as well use it to avenge our fellow Superiors who died in the hands of those merciless Delinquents."

Napuno ng pagsang-ayon ang loob. Rhea might have an unfiltered mouth and annoying personality, but she had a good leadership skill.

"Isang linggo ang Clash of the Clubs at magsisimula na ito sa susunod na araw. Sikapin niyong manalo tayo dahil dagdag ito sa puntos niyo. Ayaw kong makarinig na may nag-i-inarte." Itinaas niya ang kaniyang kamao. "Subukan niyo lang." Pagbabanta niya.

Mabilis na akong lumabas pagkatapos ng ilang mga paalala ni Rhea. Lutang ang isip ko habang naglalakad pabalik sa dorm.

"What the hell?"

Napanganga ako nang maabutan sa loob ng dorm ko ang tatlo sa miyembro ng Upper Hierachy. Nakasalampak si Thatum sa couch, nakapikit ang mga mata at may kagat-kagat na namang mansanas. Si Saunder naman ay tahimik lang na nakaupo sa isang gilid at may binabasang aklat.

KING OF TORMENTS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon