I was a keen observant. Parang naging additional sense ko na ang maramdaman kapag may gusto sa akin ang isang tao o may galit sila sa akin. Despite the warm smile of my schoolmates way back in Berrington High, I could still distinguish the genuine one from the fake. Alam ko kung sino ang mga taong may galit sa akin at kung bakit.
The way Davil talked to me, the way he emphasized that I am just a Pawn, I already knew that he hated me as much as I hated him. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit tila ganoon na lang ang galit niya sa akin. Yes, I insulted him. Pero nararamdaman kong hindi iyon ang rason nang malamig niyang pagtrato sa akin. Nang mag-abot ang aming mga tingin, nakikita ko mula rito na hindi ganoon kasimple ang galit niya sa akin. His anger was triggered by something deeper, something I couldn't identify.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa mga pigura ng mga lalaking papasok sa isa pang pintuan. Pati ang kapatid ko ay paakbay-akbay kay Vain at parehong kumakanta ng Alone. I roamed my eyes around before I half-heartedly followed them.
Bumungad sa akin ang isa pang opisina. May apat na table na nakapwesto sa loob. Iba't iba ang mga kulay nito at may name plates na nakalagay sa ibabaw. The office was elegant and spacious. May mga picture frames na nakasabit. As I scanned the portrait photos and paintings, I noticed that it was the former members of the Upper Hierarchy dahil may nakalagay na petsa sa bawat larawan. Although 'yong iba ay king lang ang nasa larawan lalo na 'yong mga sobrang luma na.
My eyes widened in disbelief when I saw a painted image of Lush. Based on the date it was painted 3 years ago. My brother was a fucking Knight! Kahit hindi ko pa masyadong naintindihan kung ano ang ibig sabihin nito, I was pretty sure hindi basta-bastang pwesto ang pinanghahawakan ng kapatid ko.
Narinig ko ang pagtikhim ni Davil. Agad akong sininyasan ni Lush na lumapit sa isang table kung saan kasalukuyang nakapwesto si Davil.
Umirap muna ako bago tuluyang naglakad papunta sa isang bakanteng upuan sa harap ng table niya. Agad namang umupo si Lush sa tabi ko.
May iniabot sa aking folder si Davil.
"Ano 'to?" tanong ko habang nanatiling nakatingin sa folder.
"What do you think? It might be marriage contract given by the fact that you are inside this school," he uttered, voice laced with sarcasm.
Bago pa ako makapagbitaw ng maaanghang na salita ay sumingit na si Lush.
"Enrollment form 'yan."
Umirap ulit ako bago binuksan ang folder. As expected, tumambad nga sa akin ang isang enrollment form. Pero hindi gaya nang inaasahan ko, hindi ito katulad ng ordinaryong enrollment form ng isang ordinaryong paaralan. I'd been aiming for extraordinary situation since I was young, and for the first time, I wish things were just normal for me.
Agad kong inilagay ang buo kong pangalan. Sunod naman ang edad at mga basic informations patungkol sa akin.
Napakunot ako ng noo nang dumating na nga ako sa parteng medyo confidential na. May tanong kasi do'n kung ano ang offenses na nagawa ko.
"Lush, kailangan pa ba sa enrollment papers ang police records?" tanong ko.
"Oo, maliban na lang kung tagapagmana ka ng mga illegal na negosyo."
I nodded, feeling daze about my predicament. Hindi ko na pala kailangan.
Ang sunod namang tanong ay tungkol sa family background.
Ito ang isang bagay na hindi ko maintindihan sa Chaos University. Masyado silang bukas para sa mga anak ng mga mafia leaders. They became an avenue for the children who could possibly drag them down in the future.
BINABASA MO ANG
KING OF TORMENTS [Completed]
Mistério / SuspenseWhat if I told you there's a university where the sons and daughters of respected government officials interact with the heirs and heiresses of crime syndicates? A gamble where you either graduate or die. What if I told you there's a university wher...
![KING OF TORMENTS [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/198303105-64-k667063.jpg)