75 - Afternoon Chill

1.1K 136 16
                                    

Laura became more observant with her mother-in-law as she would like to confirm if their hunch is correct about Madam Chairman getting into a new relationship. She and Allona connived in observing the behavior of their mother-in-law.

"How is she, Sis?" Laura asked Allona while preparing for their kids pool party one Saturday afternoon.

"Ganun pa rin, laging umaalis pero hindi naman sinasabi kung saan sya pupunta. Katulad ngayon, she knows na may pool party ang mga bata pero umalis pa rin sya. Dati-rati sya ang punong abala sa mga foods na gusto ng mga anak natin." Allona replied.

"Baka naman importante talaga yung pupuntahan nya. Next time, ask her driver." Laura suggested.

"Ginawa ko na yan. But this past few days, ayaw na rin magsalita nung driver nya. Laging charity event and sinasabi. Nagdududa na talaga ako kay Mama. Alam kong may itinatago sya sa atin. Simula nung bumalik sya from Italy, araw-araw umaalis sya. Hindi naman sya ganyan noon. Gusto ko nang maniwala dun sa sinabi ni Daniel na baka may boyfriend na si Mama." Allona said.

"Okay lang naman di ba, if ever na tutoo nga ang hunch natin." Laura said.

"Kung sa akin lang naman, wala talagang problema. Kaso hindi ko alam yung mga bata, lalo na si Althea. And imagine the twist, possibleng Lolo pa ni Thirdy ang boyfriend ni Mama. Parang ang awkward naman kapag nangyari yun. Baka hindi pa man, may heartbreak na agad ang dalaga natin, Sissy, courtesy of Madam Chairman." Allona said.

"Oo nga eh, yan din ang iniisip ko, ang hirap pumili ah. Syempre gusto kong maging masaya silang mag-lola." Laura said.

"Alam ba ni Mama that Althea likes Thirdy?" Allona asked.

"Alam ko nabanggit ko sa kanya. And I'm sure, Althea told her that also. Walang namang secret si Althea kay Mama eh." Laura replied.

"Ang hirap naman kasing pigilin nung kay Mama. Alam naman nating lahat ang love story nila ng Lolo ni Thirdy eh. Kaso, paano na si Althea?" Allona said.

"I'm sure, Mama consider that angle and I believe she presume the consequences of having an affair with Richard Reyes, Sr." Laura uttered.

"Knowing Althea, sobrang selosa nun. Ang daming makukuha sa mga Monteiro, yung pagiging selosa pa. I wonder what she will say kapag nalaman nya ang tungkol kay Mama at sa Lolo ng ultimate crush nya." Allona commented.

"Baka kaya gustong isama ni Mama si Althea sa Italy, para ilayo ang apo nya kay Thirdy?" Laura uttered.

"Possible yan, Sissy. At pwedeng alam ni Mama na masasaktan nya si Althea kaya hindi pa nya inaamin sa atin ang tutoo." Allona said.

"Napakakomplikado naman ang sitwasyon natin. I did not expect this kind of twist sa relationship ni Mama at Althea. Sana naman maayos natin ito agad." Laura said.

"Mommy!" they heard Althea called.

"Yes, Baby." Laura replied.

"Ready na po sila." Althea said and they saw Vino, Anthony, Almira, Lauren, Carrie, Chesca, Rorie and Nathan going out of the mansion in their swimwear attire.

"4:00 p.m. pa lang mga anak, tirik pa ang araw. Sobrang excited nyo naman. Hindi pa nga kami tapos mag-prepare ng snack nyo." Allona protested.

Years After (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon