Chapter 1: Encounter
***
"Bilisan na natin Jane. Maaabutan na nila tayo," sabi ng kaibigan kong si Yuki habang tumatakbo kami.
Napahinto ako sa pagtakbo dahil sa pagod at sakit na nararamdaman. Hinawakan ko ang braso ko na dumudugo.
"Hindi ko na kaya..."hinihingal na sabi ko sa kanya.
Lumapit siya sakin at nilagay ang isang braso ko sa balikat niya at saka kami nagpatuloy sa pagtakbo.
"Iwan mo na lang ako dito...Sige na...tumakas ka na..." nanghihinang sabi ko.
"No. Hindi kita iiwa--aaahhh!!"
Nanlaki ang mga mata ko nang may tumamang palaso sa likod ni Yuki.
"Yuki!"
Napasigaw ako dahil sa dami ng palaso na pumupunta sa direksyon namin. Natamaan pa ako sa kaliwang binti ko. Napapikit ako sa sakit.
Kahit nahihirapan, pinilit ko siyang hilahin ang kaibigan ko sa likod ng malaking puno para hindi na siya matamaan.
"Tumakas ka na Jane. Hindi ka pwede nilang abutan. Sige na. Iwan mo na ako," nahihirapang sabi ni Yuki. Napaubo siya ng dugo.
"Huwag ka ng magsalita. Pagagalingin kita."
Tumingin ako sa paligid. Wala akong makita kundi ang madilim na paligid. Naririnig ko rin ang mga kaluskos at huni ng mga hayop na parang natatakot katulad namin.
"Pigilan mong sumigaw Yuki. Tatanggalin ko ang palaso sa likod mo," sabi ko
Unti-unti kong tinanggal ang palaso sa likod niya. Alam kong nahihirapan siya dahil impit siyang sumisigaw.
Nang tuluyan ko nang natanggal ang palaso sa likod niya, hinawakan ko ang sugat niya gamit ang dalawang kamay ko. Huminga ako ng malalim at nag-concentrate.
"Hindi mo na kailangan gawin to Jane. Huwag mo na akong pagalingin. Mas lalo ka lang manghihina."
Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy sa ginagawa. May lumabas na puting liwanag sa mga kamay ko. Unti-unting nawala ang sugat sa likod ni Yuki kasabay ng pagkawala ng puting liwanag sa kamay ko.
Napasandal ako sa puno dahil sa sobrang pagod. Pakiramdam ko malaki ang nabawas na enerhiya sa akin. Napangiti ako. Ayos lang. Mahalaga magaling na ang kaibigan.
"Alam kong nanghihina ka na. Pero nagawa mo paring pagalingin ako. Dapat hindi mo na yun ginawa," nag-aalalang sabi niya.
"Magpasalamat ka na lang," nanghihinang sabi ko.
"Tss. Matigas talaga ang ulo mo."
Napangiti ako.
"Alam kong nandyan kayo sa likod ng puno na yan. Sumuko na kayo para hindi na kayo masaktan."
Nagkatinginan kami ni Yuki dahil sa boses na narinig. Kinabahan ako dahil alam kong malakas ang taong yun. Hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako para sa kaibigan ko. Sigurado akong mapapahamak siya dahil sakin.
"Umalis ka na. Ako lang naman ang kailangan nila," mahinang sabi ko.
"Ikaw ang kailangan nila, kaya ikaw dapat ang umalis. Ako na ang haharap sa kanila. Umalis ka na."
"P-Pero hindi kita kayang iwan," naiiyak na sabi ko.
"Kailangan mo nang umalis. Hindi ako papayag na mangyari ang gusto nila. Hindi ako papayag na mapahamak ka."
Umiling ako habang umiiyak.
"Lumabas na kayo diyan!! Bibilang ako ng tatlo!! Kapag hindi pa kayo lumabas diyan sa pinagtataguan niyo, pasasabogin ko kayo!!"
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...