Chapter 46: Farewell

4.3K 152 16
                                    


Chapter 46: Farewell

***

Binuksan ko ng marahan ang aking mga mata. Una kong nakita ang kulay puting kisame. I heard a beeping sound beside me. My throat felt so dry at hirap akong lumunok. Kumurap ako ng ilang beses bago nilibot ang paningin sa paligid. Halos puro puti ang nakikita ko sa paligid. The room were filled with the smell of mixed of medicine and alcohol. I must be in a hospital room.

Marahan akong bumangon para umupo sa kama. My body is heavy and I felt so weak. Kumikirot rin ang mga sugat mo sa katawan lalo na sugat sa aking likod. Napapikit ako ng mariin at dinama ang sakit ng katawan.


"My God! Jane! Wag ka nang bumangon. Hindi ka pa magaling."

May narinig akong mga yapak ng mga paa na palapit sa'kin. Umangat ang aking mukha nang may humawak sa balikat at braso ko. Nakita ko ang nag-aalalang mukha nina Jelly, Tanya, Lucy at Sakura. Pareparehong namumula ang kanilang mga ilong at namamaga ang mga mata.


Bigla akong niyakap ng mahigpit ni Jelly. Humagulhol s'ya sa balikat ko. Sumulyap ako kina Lucy, Tanya at Sakura na nakangiti sa'kin pero may luha naman sa kanilang mga mata.


Bumitiw si Jelly sa pagkakayakap sa'kin. "Sorry," aniya at pinunasan ang luha sa pisngi. Tipid akong ngumiti sa kanya.


"A-Anong nangyari?" tanong ko sa napapaos na boses. I'm hoping that it was just a dream. Everything that happened is just a dream. A bad dream. Perhaps a nightmare.

Sandali silang natahimik at nagkatinginan. Their faces are filled with hesitation and sadness. Tila ayaw nilang sagutin ang tanong ko. Huminga ako ng malalim.

"Where's everyone?" tanong ko nang hindi sila nagsalita sa unang tanong ko. Dahil sa katahimikan maging ang kanilang paglunok ay dinig na dinig ko na rin.


"Nasa kabilang kwarto sina Palm at Bon. Hindi pa sila gumigising magmula kahapon. Nandoon ang kanilang mga magulang at ang ilang classmates niyo," maingat na sagot ni Lucy. Sumulyap ako sa kanya at tumango.

"Nasaan sina Kit at Rui?'

Bumuntong hininga si Tanya bago sumagot. "They're already in Clarines.  Inuwi sila kahapon ng mga kamag-anak nila," malungkot niyang sinabi. Kumurap ako at mabagal na tumango. Bumalik ang sakit sa aking damdamin nang maalala ang sinapit nila. Yumuko ako at tiningnan ang nakabukas kong mga palad.

Biglang bumukas ang pintuan. Umayos ng tayo ang aking mga kasama. Nag-angat ako ng tingin at nakita sina Sir Nero at Prof. Hera na seryosong nakatingin sa'kin. May ilang sugat sila sa kanilang mukha at braso pero hindi naman gaanong malala. Kahit papano nabawasan ang pag-aalala ko ngayong nakita silang maayos ang lagay.


"G-Good afternoon po Sir Nero at Prof. Hera," sabay sabay na bati nila.


Tumango ang dalawa sa kanila. "Maraming salamat sa pagbantay kay Jane mga iha. Pero kailangan niyo nang kumain. It's already passed lunch time," sabi ni Sir Nero.

Tumingin ang mga kaibigan ko sa akin. Tumango ako sa kanila at tipid na ngumiti.

"Babalik kami mamaya," ani Jelly bago sila lumabas ng kwarto. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maisarado ang pintuan.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" unang tanong ni Prof. Hera.

"Ayos lang..." mahinang sagot ko. Napayuko ako at bumalik ang tingin sa aking nakabukas na palad.

"Did your friends told you something?" Sir Nero asked carefully.

"H-Hmmm?  What something?" walang lakas na tanong ko. Bumuntong hininga silang dalawa.


CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon