Chapter 24: Second Battles (Illusion)
***
Pinakawalan ko ang kuryente patungo sa kanya. Kaya lang naiwasan niya ito. Inatake niya ako ng kanyang espada na hawak niya gamit ang kanyang dalawang kamay. Sa tingin ko ay mabigat ito dahil bawat pag-atake niya, bumabaon ito sa semento.
Mabilis ang kanyang bawat galaw, kaya wala akong panahon para magpalabas ng kapangyarihan. Naging abala ako sa pag-iwas sa kanyang mga atake.
Sumisigaw siya habang inaatake ako. Parang nanggigil siyang patayin ako. Pero alam kong hindi niya ako papatayin dahil papakinabangan pa nila ako. Which is, hindi ako papayag.
"Sumuko ka na lang kaya para hindi ka na masaktan!"
That won't happen. Napasinghap ako ng muntik na akong tamaan sa aking gilid. Mabuti na lang nadulas siya dahil sa pagkakatapak ng dugo sa sahig. Agad akong tumalon palayo sa kanya habang nakaupo pa siya.
This is my chance.
Nagpalabas ako ng bola ng enerhiya sa magkabila kong kamay at agad pinakawalan papunta sa kanya. Pero bago pa siya tamaan nito ay nakaiwas na siya at saka tumalon rin papunta sa akin.
Umatras ako sa kanya at nagpakawala ng kuryente sa magkabilang kamay. Iniwasan niya ang aking mga atake at umaabante siya palapit sa akin. Patuloy pa rin ako sa pag-atras habang pinapaulanan ko siya ng kuryente hanggang sa natamaan ko ang kanyang espada.
Sumigaw siya at nanginig ang kanyang buong katawan. Nabitiwan niya ang kanyang espada at napatukod ang kanyang mga tuhod at kamay sa semento.
Hinihingal akong tumigil sa aking kinatatayuan. Nagpalabas ulit ako ng bola ng enerhiya sa kanabg kamay. Mas malaki kaysa kanina. Nag-angat ang kanyang mukha sa akin at nanlaki ang kanyang mga mata.
"T-Teka hindi mo naman ako papatayin diba?" Natatarantang tanong niya.
"Hindi ko magagawa yun," kunot noong sabi ko. "Pero sisiguraduhin kong malulumpo ka sa gagawin ko," dagdag ko.
Akmang pakakawalan ko na ang aking kapangyarihan nang nagsalita ulit siya.
"Alam ko kung ano ang itsura ng iyong ina!"
Ngumiti ako sa kanya.
"Hindi mo na ako maloloko."
"Paano kung sabihin ko sayo na nakita mo na siya at nandito siya, nanonood ng laban mo."
"A-Ano?" Napatigil ako at napakunot noo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko totoo ang kanyang sinabi o magaling lang talaga siyang magsinungaling.
Sa hindi malaman na dahilan ay napaangat ako sa mga manonood. Nahagip ng aking mga mata ang isang babaeng nakatayo sa hagdanan. Purong pula ang kanyang suot kaya nakuha niya ang aking atensyon. Kaya lang sa sobrang layo nito, hindi ko maaninag ang kanyang mukha.
"Jane!!"
Bumalik ang aking diwa dahil sa sigaw nina Finn. Lumingon ako sa aking kalaban. Nakatayo na siya at hawak ang kanyang espada.
Binato niya sa akin ang kanyang espada kasabay ng pagpapakawala ko ng aking kapangyarihan papunta sa kanya.
Agad akong tumalon at umiwas sa espadang binato niya. Napapikit ako sa lakas ng impact ng pagsabog. Pero ganun na lang ang gulat ko ng pagmulat ko ng aking mata ay nasa harap ko siya at hawak ang aking ulo.
Nagkatinginan kami at para akong hindi nakagalaw ng umilaw ang kanyang mga mata.
"Now, you will see and experience the things you fear."
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...