Chapter 42: The Healer

3.3K 139 8
                                    

Chapter 42: The Healer

***

"Dahil sa nangyari, napagdesisyunan ng mga hurado na walang nanalo sa round na ito," sabi ng babaeng announcer pagkatapos ng ilang minuto. Napabuntong hininga naman kami ng mga kasama ko. Wala kaming nagawa kundi ang tanggapin ang resulta ng laban ni Palm. Mas mabuti na yun, ang importante ligtas s'ya at wala na sa kapahamakan ang buhay.


Tumingin ako sa gitna ng arena nang matapos itong ayusin ng ilang trabahante ng kumpetisyon. Hindi man ito naibalik sa dating ayos ay pwede naman rin namang pagtyagaan.


"And now let's proceed to the next round!"

Nagsigawan na naman ang mga manonood na parang walang nangyari kanina. Bumalik na naman ang kanilang sigla at interes sa competition.


"Tinatawag ko si Winona Wilson  ng Xavier Academy at Jane Zuki ng Clarines Academy na umakyat na sa gitna ng arena!"

Nang nabanggit ang pangalan ko at agad akong inatake ng kaba. Napabuga ako ng hangin. Tiningnan naman ako ng mga kasama ko. Tipid akong ngumiti sa kanila para hindi sila mag-alala sa'kin.

"You'll be okay?" tanong ni Finn na bakas ang pag-aalala. Hindi ata tumalab ang ngiti ko sa kanya.

Mariin ko siyang tiningnan sa mga mata. Ramdam ko sa mga tingin n'ya na ayaw talaga n'yang lumaban ako. Pero alam ko kahit labag sa kanya, alam n'yang wala na siyang magagawa.

Tumango ako sa kanya. "Don't worry, mananalo ako sa laban," determinado kong sinabi.

"Mas mahalaga sa'kin ang kaligtasan mo." Naging malungkot ang kanyang mga mata. Alam ko Finn pero mas mahalaga ngayon ang manalo ang team natin para matapos na ating paghihirap.

"Good luck." Nag-iwas ako sa tinginan namin ni Finn at bumaling kay Bon na seryosong nakatingin sa'kin.

"Salamat." Tipid akong ngumiti sa kanya.

"I don't want to pressure you but you need to win your fight. Unahan mo ang kalaban na patayin," dagdag n'ya. Napalunok naman ako at nag-aalangan na tumango sa kanya.


"Hindi ka man namin matutulungan sa laban mo, asahan mo'ng nandito lang kami nakasuporta sayo. Naniniwala kami sa kakayahan mo," nakangiting sabi naman ni Rui.

Tumango ako at binigyan s'ya ng ngiti. Muli akong bumaling kay Finn na nakatitig parin sa'kin. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay.


"Please...wag kang mawawala sa'kin," bulong n'ya. Ang kaba ko para sa laban ay napalitan ng kakaibang pakiramdam. Ang pakiramdam na sa kanya ko lang nararamdaman. Lumapad ang ngiti ko sa kanya.

"Hindi ako mawawala sa'yo, pangako," bulong ko pabalik bago s'ya binitiwan. Humigpit ang hawak ko sa espada ng aking ina. Huminga ako ng malalim at tumingin sa gitna ng arena. Umakyat ako at hinarap ang aking makakalaban na kanina pang seryosong nakatingin sa'kin.



"Winona Wilson laban kay Jane Zuki! SIMULAN NA ANG LABAN!" ani ng babaeng announcer. Agad akong naghanda at seryoso ring tiningnan si Winona. Hinawakan ko ang espada gamit ang dalawang kamay at tinutok sa direksyon n'ya.



"Ang swerte ko naman at  ang pinag-aagawang healer pa ang makakalaban ko. What a privilege!" sarcastic n'yang sinabi. Ngumisi pa s'ya sa'kin. Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa.



"You're just a healer. Other than that, wala na akong makitang special sayo. Hindi ka rin mukhang malakas sa'kin. You're like a weak princess na kailangan laging nililigtas. Kaya sigurado akong magiging madali ang laban na ito para sa'kin."


CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon