Chapter 38: Final Battle***
Dalawang araw na ang nakalipas mula nang makausap namin ni Finn ang aking ina at kapatid. Nandito na kami sa aming hotel room at kasalukuyang nagpapahinga. Nandito na rin sina Kit at Bon. Kahapon lang nagising si Bon at pinili niyang bumalik sa hotel para doon na lang magpatuloy ng pahinga. Pumayag naman sina prof. Hera at sir Nero sa hiling niya.
Hindi kami nagkwento ni Finn sa kanila sa mga nangyari sa amin. Sina prof. Hera at sir Nero ang tumanggap ng aming pinamili. Hindi naman sila nagtaka at nagtanong nang gabi na kami nakabalik ng hotel room kaya nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na kailangang magsinungaling. Sabaysabay na rin kaming bumalik sa hospital ng gabing yun.
Naging normal naman ang mga kilos ni Finn na parang walang nangyari sa amin. Hindi kagaya ko na palaging tulala at parang wala sa sarili. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking mga nalaman. Hindi pa rin ito mag sink-in sa'kin. Lalo na ang tungkol sa kapangyarihan ko. Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko.
Bakit ako pa ang nagkaroon ng ganoong kapangyarihan? Sino ang gustong kumuha sa'kin? Sino ang kalaban? Marami akong hindi maintindihan. Mas lalong gumulo ang isip ko sa mga nalaman.
Hinawakan ko ang aking ulo. Madalas na itong sumakit dahil sa kakaisip ko sa mga nangyari.
"Ayos ka lang ba Jane? Masakit na naman ba ang ulo mo?" rinig kong tanong ni Kit.
Nagmulat ako ng mata at nilingon siya. Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Ayos lang ako. Medyo kulang lang ata ako sa tulog," sagot ko sa kanya. Kahit nagtataka at nag-aalala tumango na lang siya at kinausap ulit si Bon. Nandito kaming anim sa living room at hinihintay sina prof. Hera. Tiningnan ko ang aking mga kasama na may kanya kanyang pinagkakaabalahan habang nakaupo lamang sa sofa.
Nakapikit si Rui at nakasandal ang likod sa sa gilid ng sofa. Nakatulog na ata siya kakahintay kina prof. Hera at sir Nero na kasalukuyang nag-uusap sa isang silid. Si Palm naman na katabi ni Rui ay busy sa kanyang tsaa. Sina Bon at Kit na katabi ko sa mahabang sofa ay busy sa isa't isa. Hindi ko masyadong marinig at maintindihan ang pinag-uusapan nila.
"Are you really okay?" mahinang tanong ni Finn na katabi ko sa kanan. Nagkatinginan kami. Napabuntong hininga siya nang makita ang aking mukha. Halata siguro sa'king mukha ang hindi mapakali.
"Forget about that for the mean time." Tukoy niya sa mga nalaman namin. "For now, let's focus on our last battle then we'll deal with it after," seryosong sinabi niya.
Huminga ako ng malalim at tumango sa kanya. Parang ang unfair ko ata sa kanya. Alam kong hindi pa s'ya maayos dahil sa pagkamatay ni sir FM. Tapos heto pa ako dadagdag sa mga pasanin niya. As much as possible, ayokong maging pabigat sa kanila. I should keep myself together para makatulong sa kanila. I breathe.
Tama si Finn. We can deal with the enemy after the battle. May tiwala ako sa mga teammates ko na mananalo kami sa laban. Malayo na ang narating namin at marami na rin ang aming pinagdaanan makarating lang sa huling laban. Hindi kami papatalo sa Xavier at hindi ko sila bibiguin.
"The final battle will be the day after tomorrow," seryosong sabi ni Sir Nero. Napalingon ako sa kanila. Hindi ko namalayan ang kanilang paglapit. Nasa gitna nila ni prof. Hera ang malaking kahon kung saan nakalagay ang mga armors na susuutin namin sa laban.
Tinitigan ko si prof. Hera. Parang may kakaiba sa kanya ngayon. Yung mukha niya parang kulang sa tulog at parang may gumugulo sa isip niya.
Binuksan ni sir Nero ang kahon. Lumapit sa kanya si Bon at Rui para tumulong sa pagbukas.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...