Chapter 19: Clarines vs. Dorias (Part two)

3.7K 154 20
                                    

Chapter 19: Clarines vs. Dorias (Part two)

***

"Kailangan namin ng puntos, kaya gagawin ko lahat para matalo kita," sabi ni Nana habang hawak ng mahigpit ang kanyang espada na nakatutok sa direksyon ko.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ng mabuti ang espada ko. Seryoso ko siyang tiningnan. Binabantayan ang bawat kilos niya.

Humakbang siya ng ilang beses palapit sa akin. Madilim ang kanyang mukha at hindi inaalis sa akin ang paningin.

Nanlaki ang aking mata nang bigla siyang tumakbo palapit sa akin. Hinanda ko ang sarili sa pag-atake niya. Tunog ng aming espada na nagbubunggoan ang tangi kong naririnig. Napapaatras ako sa bilis ng bawat kilos niya.

Napasinghap ako nang narinig ang pagkapunit ng aking damit dahil sa pagtama ng espada. Sinubukan niya rin akong tamaan sa tagiliran, mabuti na lang nakaiwas ako. Tanging tela lang ang natamaan niya. Muntik na ako d'on.

Pareho kaming umatras sa isa't isa. Hinahabol ko ang aking hininga habang magkatitigan kami. Pinahid ko ang pawis sa aking noo.

"Yaaahhh!!" sigaw niya  at sumugod ulit sa akin.

Sinalubong ko siya. Tumakbo rin ako papalapit sa kanya. Sinubukan ko siyang patamaan ng aking espada pero nasasangga niya ang bawat tira ko.

Ilang minuto kaming naglaban gamit ang aming mga espada hanggang sa matamaan ko siya sa kanyang kaliwang braso. Hindi siya tumigil sa pag-atake sa akin kahit dumudugo na ang kanyang sugat.

Suminghap ako nang mabitiwan ko ang aking espada. Tumilapon ito sa malayo. Tumalon ako palayo kay Nana at tumakbo para makuha ang aking espada. Nadapa pa ako sa sobrang pagmamadali.

Umupo ako sa sahig at hinawakan  ng mabuti ang aking espada habang nakatingin sa likod ko kung saan tumatakbo palapit sa akin si Nana. Kinagat ko ang aking labi nang nakitang may bola ng enerhiya na namumuo sa kanyang kanang kamay.

Tumayo ako at humarap sa kanya. Binitiwan ko ang espada ko at huminga ng malalim saka nagpalabas ng enerhiya sa kanang kamay ko.

Nagulat ako nang biglang pakawalan ni Nana ang kapangyarihan niya. Kaya wala akong nagawa kundi pakawalan rin ang aking kapangyarihan kahit hindi pa ito sapat panlaban ng kanya.

Napapikit ako ng sumabok ang aming bola ng enerhiya nang magsalpokan ito. Sa lakas ng pagsabog nito, tumilapon ako ng ilang metro ang layo.

Bumangon ako mula sa pagkakadapa. Tumingin ako sa paligid na puno ng mga usok. Nagkalat din ang mga piraso ng semento sa paligid.

Nasaan si Nana?

Linibot ko ang aking paningin sa paligid. Hindi ko siya makita pero sigurado ako na nasa paligid lang siya.

Tumayo ako ng maayos kahit na masakit ang aking buong katawan dahil sa pagkatilapon kanina. Unti-unti nang humuhupa ang usok.

"On your back!" rinig kong sigaw ni Finn.

Agad akong lumingon sa aking likuran at nakita si Nana na nagpakawala ng bola ng enerhiya patungo sa akin. Nanlaki ang aking mata at natigilan dahil sa bilis nito.

"Tapos ka na!!" sigaw ni Nana kasabay ng pagtama ng kapangyarihan niya sa aking tiyan.

Napasigaw ako sa sobrang sakit. Bumagsak ako sa sahig at napaubo ng dugo. Naramdaman kong may tumulo na dugo sa gilid ng aking labi. Napalunok ako at tiningnan ang aking tiyan.

Akala ko katapusan ko na. Sira na ang suot kong uniporme. Nakikita na rin ang aking tiyan na may gasgas at may dugo. Kumunot ang aking noo sa sakit na nararamdaman at napaubo ulit ng dugo.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon