Chapter 18: Clarines vs. Dorias (Part one)***
Nagsisigawan ang mga tao. Halatang hindi na sila makapaghintay na magsimula ang laban. Pero para sa amin na lumalaban, nakasalalay dito hindi lang ang buhay namin pati na rin ang kinabukasan ng kanya kanyang eskwelahan namin.
Tumunog ang mga malalaking flatscreen na nasa taas. Nag-angat ako ng tingin dito. Pinapakita nito ang mga mukha namin.
"Para sa unang laban sa pagitan ng Dorias Academy at Clarines Academy, tinatawag ko si Gail ng Dorias at Kit ng Clarines!"
Pinakita sa monitor ang mukha ni Kit at ng makakalaban niya na si Gail.
Lumingon ako kay Kit na naghahanda na. Wala ng mababakas na emosyon sa kanyang mukha.
"Galingan mo," ani Bon sabay tapik kay Kit sa balikat.
"Syempre naman," bahagyang ngumisi si Kit.
"Kayang kaya mo yan," si Rui na nakahalukipkip.
"Pahirapan mo siya," seryosong sabi naman ni Palm.
"Good luck," sabi ni Finn na nakatayo sa tabi ko. Pinaikot ikot niya sa kanyang kamay ang dala niyang kutsilyo.
Tipid naman akong ngumiti kay Kit. Kinakabahan ako para sa kanya.
Tumango siya sa amin at nagsimulang umakyat sa entablado. Umakyat na rin si Gail at seryosong tumingin kay Kit. Parehas silang may hawak na espada.
Pagkatapos magsalita ng announcer tungkol sa mga patakaran ng laro, iniwan na niya sina Kit at Gail sa entablado at pumunta kung saan ang pwesto ng iba pang announcer ng laro.
"Gail ng Dorias Academy laban kay Kit ng Clarines Academy! Simulan na!" sabi ng isa pang announcer.
Nagsigawan ang mga manonood. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay habang nanonood kina Kit.
Seryosong nakatingin si Kit sa kalaban niyang si Gail. Tila naghahanda siya at naghihintay na si Gail ang unang umatake sa kanya.
Hinawakan ng mahigpit ni Kit ang espada niya nang tumakbo papunta sa kanya si Gail. Sinugod siya ni Gail at nag-espadahan sila. Parehas silang mabilis kumilos at malakas.
Napaawang ang labi ko. Nakakamangha ang galing nila. Walang gustong magpatalo sa kanila.
Sumigaw si Kit at malakas na sinipa si Gail. Bumagsak si Gail at nabitiwan ang espada niya. Susugod sana ulit si Kit kay Gail gamit ang espada niya, kaya lang agad na nagpalabas si Gail ng bola ng enerhiya niya at mabilis na ibinato kay Kit.
Tumilapon si Kit at nabitiwan ang espada niya. Medyo nasira rin ang suot niyang uniporme.
"Kit!" Nag-aalalang sigaw ni Bon.
Bumangon si Kit. Hinawakan niya ang kanyang tiyan na tinamaan. Halatang iniinda niya ang sakit. May sugat rin siya sa gilid ng kanyang labi. Seryoso siyang tumingin kay Gail na nakangisi sa kanya.
Nakatayo na si Gail at may nakalabas na ng bola ng enerhiya sa kanang kamay niya. Nakatayo na rin si Kit na hawak pa rin ang kanyang tiyan gamit ang kanyang kaliwang kamay.
Kahit nahihirapan na siya, nagawa niyang magpalabas ng bola ng enerhiya sa kanang kamay niya. Unang nagpakawala ng kapangyarihan si Gail. Papunta ito kay Kit, pero bago pa ito tumama sa kanya, pinakawalan na ni Kit ang kanyang bola ng enerhiya. Nagkabonggoan ang kanilang mga kapangyarihan.
Parehas silang napapaatras dahil sa lakas ng enerhiya na pinakawalan nila. Sumigaw sila pareho at mas lumakas ang kanilang kapangyarihan na pinakawalan. Nahihirapan na silang dalawa pero walang gustong sumuko sa kanila.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...