Chapter 9: The Prize
***
"So, ikaw pala si Jane Zuki. Ang bagong myembro sa team namin," sabi ni Rui habang nakangiti sakin.
Nasa loob kami ng clinic at kasalukuyang ginagamot ni ate Freya ang mga sugat na natamo ni Finn. Paminsan minsang nagrereklamo si Finn sa ate niya sa paggamot sa mga sugat niya.
Napatigil ako sa pagkain at nilingon siya. Nakaupo kami sa mahabang sofa at nakaupo siya sa tabi ko.
Tumango lang ako kay Rui at bumalik sa pagkain uli.
"Ano pa bang kailangan mo Rui? Bakit ka pa nandito?" tanong ni Finn sabay daing dahil sa pagdiin ni ate Freya ng bulak sa sugat niya.
"Huwag mo ngang sungitan si Rui. Siya na nga ang nagligtas sayo laban sa mga lalaking yun."sabi ni ate Freya
"Bleh," nang-aasar na dumila si Rui kay Finn.
"Tsk. Kaya ko naman matalo ang mga lalaking yun. Dumating lang siya."
"Oh talaga?"
"Tama na nga! Baka magkapikunan na naman kayo."
"Huwag kang malikot Finn. Nilalagyan ko ng benda mga sugat mo."
"Huwag mo masyadong higpitan."
"Parusahan mo yan ate."
Tinabi ko na ang aking pinagkainan at pinagmasdan sila.
"Ayos na. Magpahinga ka na muna," sabi ni ate Freya at saka nagligpit ng mga gamit.
"Jane pwede mo ba akong tulungan sa pagdala nito sa office?" tanong niya at saka ako nilingon.
"Sure," sagot ko.
Tumayo ako at dinala ang ibang gamit niya.
"Teka iiwan niyo ako kasama to?" tanong ni Finn sabay turo kay Rui.
"Wow naman pare. Halatang namiss mo talaga ako no?" natatawang tanong ni Rui.
"Rui bantayan mo yan. Baka tumakas na naman yan," sabi lang ni ate Freya saka lumabas ng kwarto. Walang salitang sumunod naman ako sa kanya.
"Pasensiya ka na Jane sa kanilang dalawa. Ganyan talaga sila," sabi ni ate Freya habang naglalakad kami.
"Ayos lang naman. Pero okay lang bang iwan natin silang dalawa don?"
"Oo naman. Nagbibiroan lang yun sila kanina. Masasanay ka rin. Magkaibigan na sila mula pa nung bata pa sila."
"Pero bakit sinabi ni Rui na rival siya ni Finn?" nagtatakang tanong ko.
"Sinabi niya yun? Well, siguro dahil madalas silang ikumpara sa isa't isa at magkasing lakas sila. Akala nga namin si Rui na ang mapipiling leader sa taong ito dahil mas responsable siya kaysa kay Finn. Hindi namin akalaing si Finn pala ang mapipili ni Daddy. Sinasabi nga ng ibang tao na biased si daddy dahil sa pagpili niya sa sariling anak niya. Na hindi deserved ng kapatid ko ang maging leader ng grupo niyo."
Hindi naman ako nakapagsalita sa mga sinabi niya. Medyo naawa ako kay Finn. Siguradong masakit para sa kanya ang mga salitang yun.
"Sa tingin ko naman karapat dapat si Finn na maging leader ng team namin. May tiwala ako sa kanya at sa tingin ko ganon din ang nararamdaman ng daddy niyo," sabi ko.
Huminto si ate Freya sa paglalakad at tiningnan ako ng nakangiti.
"Maraming salamat Jane. Alam kong hindi perpekto ang kapatid ko pero napakadeterminado at nagsusumikap siya hindi lang para sa sarili niya kundi para sa buong Clarines."
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...