Chapter 23: Second Battles (Determination)

3.2K 141 4
                                    

Chapter 23: Second Battles (Determination)

Nanlaki ang aking mata ng sinaksak ni Rui ang sarili niyang paa. Halata sa kanyang mukha ang sakit. Tuwang tuwa naman ang kalaban niyang lalaki. Napangiwi si Rui sa sakit ng ginalaw niya ang patalim na hawak niya.

Hinugot niya ang patalim at nagpakawala siya ng enerhiya sa kanyang kamay. Dahil sa kapangyarihan niya unti-unting natunaw ang patalim na hawak niya.  Hinihingal siyang tumingin sa kalaban na gulat sa ginawa niya.

"Oh? Akala ko ba importante sayo ang patalim na yun dahil sandata yun ng iyong kapatid. Bakit mo tinunaw?" tanong ng kalaban niya sa kanya.

"Fuck you. Magbabayad ka sa ginawa mo sa akin," sabi ni Rui na hindi pinansin ang sinabi ng kanyang kalaban.

"Nagpapatawa ka ba? Hindi ka na nga makatayo ng tuwid." Inangat ng kalaban ang dalawang kamay niya.

Lumingon ako kay Rui nang unti-unti niya rin inangat ang mga kamay niya. Nagagawa pa ring kontrolin ng kalaban niya ang kanyang katawan.

"Huwag kang mag-alala, mabilis lang 'to. Nagsasawa na rin ako. Tataposin na kita. Titirisin kita na parang kuto," dagdag nito at saka kinuyom ang mga kamao.

Ngumisi si Rui sa kanyang kalaban. Kumunot naman ang noo nito at inulit ang ginawa pero wala pa ring nangyari.

"What happened? Bakit hindi na kita nakokontrol? Ano ang ginawa mo?!"

"Simple lang loser. Isa-isa kong pinutol ang invisible thread na kinabit mo sa akin kanina nang hindi mo napapansin," sagot ni Rui. Nanlaki ang mga mata ng kalaban at galit siyang tiningnan.

Sumeryoso ang mukha ni Rui at nagpalabas ng bola ng enerhiya sa magkabilang kamay niya.

"Ako naman ngayon,"aniya at saka ni-release ang kanyang kapangyarihan papunta sa kalaban.

Mabilis itong pumunta sa kalaban kaya hindi na niya  nagawang makaiwas. Natamaan siya ng kapangyarihan ni Rui. Malakas itong sumabog. Tumilapon ang kanyang katawan sa sahig na nasira na rin.

Napanganga ako at tumingin kay Rui na sobrang nanghihina na. Parang lahat ng enerhiya niya ay inubos na niya doon sa pinakawalan niyang kapangyarihan. Hinihingal siyang napaupo sa sahig.

Napalingon ako sa kanyang kalaban na walang malay na nakahiga sa sahig. Parang natosta ang kanyang katawan sa ginawa ni Rui.

"Rui!"

Tumingin ulit ako kay Rui na nakadapa na ngayon sa sahig at walang malay. Nasa hagdanan na ng ring sina Finn at Bon. Handang puntahan siya.

"Dahil parehong tumba at wala ng malay si Rui ng Clarines at Paul ng Swindlers, nagdesisyon ang mga hurado na walang nanalo sa laban," sabi ng babaeng announcer pagkalipas ng isang minuto.

Tumakbo agad sina Finn palapit kay Rui at saka binuhat ito papunta sa pwesto namin. Inihiga nina Finn si Rui sa sahig. Lumapit ako sa kanila at tiningnan ang kalagayan ni Rui. Marami siyang sugat sa katawan. Tumutulo na rin ang dugo niya.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Anong gagawin mo Jane?" tanong ni Bon na nasa kabilang tabi ni Rui.

"Pagagalingin ko siya," sagot ko habang nakatingin pa rin sa katawan ni Rui. Naaawa ako sa kalagayan niya.

"Pero lalaban ka pa Jane..."tila nag-aalalang sabi ni Kit na nasa tabi ni Bon.

"Don't worry. May sapat akong lakas para lumaban mamaya," sagot ko at nagsimulang magconcentrate para magpalabas ng enerhiya sa kamay. Umilaw ang enerhiyang lumabas sa aking kamay na nakahawak kay Rui. Napahinga ako ng malalim.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon