Chapter 35: The Date***
"Kumusta na raw po ang kalagayan ni Bon? Anong sabi ng doktor?" nag-aalalang tanong ni Kit kina prof. Hera at sir Nero.
Nandito kaming lahat sa hospital room ni Bon na hangang ngayon ay hindi pa nagigising mula kahapon simula ng tamaan siya ng bola ng enerhiya ng kalaban. Napatingin ako sa mga kasama ko na tahimik lang sa gilid.
Pare-pareho kaming may mga bandages sa mga sugat namin lalo na sina Rui at Finn na malala rin ang naging sugat. Pansin ko ang pananahimik ni Rui magmula kahapon pagkatapos ng laban nila. Panay rin ang sulyap niya kay Finn na tahimik na nakasandal sa pader at parang malalim ang iniisip.
"Medyo malala ang naging tama sa likod niya but he's fine. Kailangan niya lang ng pahinga," napapabuntong hiningang sagot ni sir Nero.
"Kasalanan ko 'to. Kung hindi lang sana ako naging mahina." Bakas ang lungkot at pagsisisi sa boses ni Kit.
Linapitan siya ni Palm at hinawakan sa balikat.
"Wala kang kasalan Kit at hindi ka naging mahina. Sadyang magaling lang din ang kalaban." Bumuntong hininga si Prof. Hera. "Ang mahalaga ligtas kayong lahat at nanalo kayo sa laban."
Hindi na umimik si Kit pero kitang kita pa rin sa kanyang mga mata ang pagsisisi.
"Bumalik na kayo sa hotel. Kailangan niyo pa ng pahinga. Siguradong kulang pa kayo sa tulog. Wala pang exact date kung kailan ang final battle niyo kaya kailangan niyong magpagaling. At ikaw Kit bumalik ka na sa hospital room mo, kagigising mo pa lang," ani sir Nero.
Tumango si Kit kay sir.
"Pero kapag nagising na si Bon, pwede po bang sabihin niyo sa'kin?" tanong ni Kit.
"Don't worry, once nagising na si Bon, we will inform you." Tumingin si prof. Hera kay Palm. "Samahan mo siya Palm sa kanyang kwarto at doon ka nalang din magpahinga," utos niya rito.
Tumango si Palm at inalalayan si Kit palabas ng room ni Bon. Nagring naman ang phone ni sir Nero kaya nag-excuse siya sa amin bago lumabas para sagutin ang tawag.
"Jane.." Lumingon ako kay prof. Hera ng tinawag niya ako.
"Pwede mo ba akong samahan sa downtown ng Trenchia? May bibilhin lang tayong kagamitan na magagamit niyo sa final battle," aniya. Napansin ko rin ang pagsulyap ni Finn rito.
"Walang problema," agad na sagot ko. Hindi naman malala ang natamong sugat ko at sa tingin ko'y naging sapat naman ang pahinga ko.
Tumango si prof at tipid na ngumiti sa'kin.
Bumukas ang pintuan at pumasok ulit si sir Nero. Agad siyang tumingin kay prof.
"Pinapatawag tayo ng mga officials ng academician battle para sa huling meeting. For sure tungkol yun sa darating na laban ng Clarines at Xavier Academy," sabi ni sir habang seryosong nakatingin kay prof. Hera.
Sandaling nag-isip si prof at tumingin sa'kin.
"Makakaya mo bang pumunta sa downtown ng Trenchia ng mag-isa?"
Tumango ako sa kanya. "Opo. Ako na po ang bibili ng mga pinabibili mo."
"Are you sure? Pwede namang-"
"I will accompany her." Gulat akong tumingin kay Finn sa biglang sinabi niya.
"Pero hindi pa magaling ang mga sugat mo. Mas mabuting magpahinga ka na lang dito habang binabantayan si Bon," sabi ni prof. sa kanya. Halatang tutol siya sa sinabi ni Finn.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasíaI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...